Kapag bumalik siya pagkatapos ng ilang taon, makikipagbalikan ka ba?
Kapag bumalik siya may babalikan pa ba siya?
Gaano kasakit ng iwan ka niya?
Pasan mo ba ang mundo ng araw na iwan ka niya?
Bakit ka niya iniwan? Ano daw ang dahilan niya?
O isa ka rin ba sa taong iniwan ng walang dahilan?
Anong naramdaman mo sa bawat araw na wala na siya?
Kinaya mo ba?
Patuloy mo pa rin bang kinakaya?
Lumalaban ka ba para sa sarili mo o para sakanya?
Umaasa ka pa ba sa pagbabalik niya?
Umaasa ka bang balang araw masasagot ang mga katanungan mo?
Mahal mo ba ang sarili mo?
O mas mahal mo siya higit sa sarili mo?
Hanggang kailan mo ikulong ang sarili mo sa imahenasyong hindi naman totoo?
Kapag bumalik o magkita kayo, handa ka bang harapin siya?
Bakit ka nga ba iniwan?
May iba na ba?
Sawa na ba?
Pagod na ba?
Hindi pa ba siya handa?
Di ba makuntento?
Nagkulang ka ba?
Sapat ka ba para sakanya?
Pinaglaruan ka lang ba?
Gusto niya lang ba ng experience?
"Baka di ka naman talaga minahal."
Maliban sa mga tanong na to, ano pa ang tanong mo? Isa ka rin ba sa katulad kong hinahabol ng nakaraan at sinasaktan ng mga sariling katanungang bakit?
Ilang araw, buwan o taon ka na bang nakakulong at umaasang babalik siya?
"Kailan mo balak mag move on?"
BINABASA MO ANG
We're Done
Teen FictionIkaw at ako, wala ng tayo matagal na. Tanggapin mo na lang Yelle tapos na tayo- wala ng tayo. -Terjay "Tj" Legaspi