Nasan na ang dating tingin
Na lumulunod sa akin
Sa bawat hagip ng sulyap
Paghinga ay humihirapAng dating mainit na haplos
Tuwing naghahawak kamay
Baket hindi na ganon kainit
Baket may naiiwang sakitAno ba nagawa kong mali
Akala ko tayo pa rin sa huli
Ilang taong pinagsamahan
Ganon na lang ba iiwananDi ako sanay sa ganito
Tuwing magkausap parang bato
Halang napipilitan ka na lang
Hindi mo na ba ako mahal?Paanong sa isang iglap
Ganon kabilis nawala?
Ni hindi ko namalayan
Hindi ko to inaasahanPano ako magsisimula
Sa buhay na mag isa
Kung sa pag gising sa umaga
Ikaw ang unang nakikitaPano haharapin ang bukas
Kung wala akong planong tumakas
Sa akong anong meron tayo
Ayokong dito huminto