To love

3 0 0
                                    

Recognition

Napatingin ako sa MC ng pangalan ko na ang kanyang babanggitin.

"Margarret Yvonne Quirino."

Umakyat ako ng stage habang nagsasalita ang MC ng background ko. Umakyat si mama at niyakap muna ako bago tinanggap ang medal at certificate.

"Smile anak." Sabi ni mama habang nakatingin sa camera. Ngumiti ako gaya ng utos ni mama.

Niyakap ako ulit ni mama pagkababa ng stage.

"Congratulations Mary!" Salubong ni ate Louise ng makaupo na kami sa pwesto.

Ngumiti ako kay ate at nagpasalamat.

"Salamat ate."

Tumingin ako kay kuya na nakangiti rin at naghihintay na yakapin ko.

"Akala ko nakalimutan mo na ako." May pagtatampo niyang sabi. Tumawa lang ako at niyakap siya. 

"Pwede ba naman yun?" Nakangisi kong tanong. Ginulo ni kuya ang buhok ko na siyang kinagalit ko. Umikot ang mga mata ko sa ginawa niya na tinawanan niya lang.

"Kuya si papa?" Tanong ko nang makabawi.

"Nagpaiwan eh, kailangan niya kasing taposin ang problema baka lumala."  Sabi niya habang matiim na nakatingin sakin.

"Ah okay." Nakayukong sabi ko.

"Just understand him Mary."

"I  will kuya." Nakangiti kong sabi at pinilit na itago ang pagkadismaya. Matagal akong tinitigan ni kuya ng sabihin ko iyon.

"Riko at Mary tawag tayo ni mama, picture daw muna." Sabi ni ate, sumunod kami ni kuya at lumabas na nang quadrangle. Kalauna'y bumalik din dahil kailangan patapusin ang seremonya.

Umikot ang mga mata ko sa loob ng  quadrangle. Napangiti ako habang nakatingin sa mga kaklase at schoolmates kong masaya sa araw na'to.  Abala ang iba sa pagkuha ng litrato at ang iba naman ay nakikipagtawan. Taliwas sa nararamdaman ko.

Umasa akong pupunta siya. Lalo na't alam niya na mahalagang araw ito para sa akin. Nawala ang ngiti na kani-kanilang ay napakalapad. Naalala na may ginagawa lang siyang importante kaya hindi nakapunta sa recognition.

Pagkatapos ng recognition ay tumulak na kami pauwi at naghanda si mama nang salo-salo sa bahay.

Tumingin ako sa salamin ng aking kwarto at napangiti. Kahit dalawang taon na ito ay hindi pa rin kumupas ang kulay at tela.

"Papa gusto ko po nito." Sabi ko kay papa ng minsang sinamahan niya ako sa mall upang bumili ng school supplies. Napadaan kami sa isang botique at niyaya ko siyang pumasok at tumingin muna.

"Gusto mo yan?" Nakangiti si papa habang nakatingin sa dress na gusto ko. Tumango ako bilang sagot.

"Sige bibilhin natin." Hindi ko napigilan at niyakap si papa ng mahigpit.

"Salamat po!"

Isang katok sa pintuan ang pumukaw sakin.

"Pasok."

Pumasok si kuya at lumapit sakin. Tumayo siya sa likod ko at nagulat ako nang may pinakita siyang kwintas.

"Hindi ba ito ang gusto mong regalo sa birthday mo? Sorry at ngayon ko lang nabigay." Nakangiti niyang sabi habang sinusuot sakin ang regalo niyang bigay.

Tumayo ako at niyakap si kuya.

"Salamat po kuya." Hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha. Alam kong nahirapan siyang bilhin ito lalo na't mahal. Hindi rin kasi kasya ang sweldo niya na nakukuha sa pagtulong sa asukarera dahil bukod pasa allowance niya ay siya rin ang tumutustus sa school projects at activities niya.

To love Where stories live. Discover now