Kabanata 1

4 0 0
                                    

Meet Up

Alas syete pa lang ay ginising na ako ni ate, dahilan niya'y para makapaghanda na habang maaga pa. Hindi na lang ako umimik at sumunod na lang sa utos niya. Pagkatapos magbihis ay bumaba na ako upang kumain.

"Oh sa'n punta mo?" Tanong ni kuya ng nakita akong nakaayos.

Kumuha ako ng hotdog at tatlong bacon tsaka dalawang sandok ng kanin bago sumagot.

"Sasama ako kay ate pababa ng bayan." Simpleng sagot ko.

Tinitigan niya ako at hindi na nag abala pang magtanong ulit. Alam niya naman kasi na hindi ko din sasabihin ang totoo. Ilang sandali ay bumaba na rin si ate.

Ilang sandali ay kumain na rin si ate. Pa balik balik ang tingin ni kuya saming dalawa ni ate habang ngumunguya. Naghihinala na ang isang to. Well knowing Riko, he will definitely specially that kasama ako. Palagi kasi eh si nana Delya o aling Bisen ang kasama niya.

"Nagpaalam naba kayo kay papa?" Tanong ni kuya kapagkuwan.

"Ah oo, kagabi pa." Sagot ni ate habang nililigpit ng pinagkainan.

Hindi na umimik pa si kuya at nagpatuloy na lang sa pagkain. Bumaba si mama kasunod si papa na nakabihis na. Si mama naman ay hindi pa nagkapag-ayos.

"Mag-iingat kayo Louise ha? Ang kapatid mo." Pagbibilin ni mama.

Tumango si ate at humalik sa pisngi nina mama at papa bago ako tinawag. Tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan. Humalik muna ako kina mama at sumunod na kay ate.

"Have you already eaten?" Tanong ni kuya Art sakin pero kay ate ang tingin.

Alas nuebe ymedia ay nandito na kami sa dumaguete para bumili ng kakailanganin niya. Sakto namang nandito rin si kuya Art sa mall na pinuntahan namin.

Rason pa ni ate hindi niya alam na pupunta din si kuya Art rito. Hindi din kasi sila nag-uusap. Magkaklase si kuya Art at ate Louise at junior highschool pa lang ay patay na patay na si ate kay kuya kaya hindi ko ma isip kung ano itong dramang kinakarakter niya. Hindi din kasi magkasundo si kuya Art at kuya Riko dahil palaging nagkakainitan sa laro ang dalawa. Hindi din kasi alam nila mama na may kinahuhumalingan na ang kanilang panganay na anak. At sa palagay ko ay hindi sila matutuwa na si kuya Art pa ito. Magka-away kasi sa negosyo. Pero para sakin naman ay okay lang, hindi naman kabilang ang anak sa kung ano man ang alitan ng bawat pamilya. 

"Oo kumain na kami." Si ate na mismo ang sumagot. Hmmp! Hindi din naman ako papayag eh. Fyi! Hindi ako matakaw no!

"Ah sige. Saan ba punta niyo? At ihahatid ko na kayo." Masayang anyaya ni kuya.

"A-ah hindi na!" Nagulat ako sa medyo pasigaw na komento ni ate.

Ba naman ate. Halatang-halata ka naman eh. Ka turn-off kaya yan.

"Ah thank you kuya. Pero may sasakyan kasi kaming dala."

"Ah ganon ba." Nahihimigan ko ang pagiging dismayado ni kuya. Wt! MU pala nangyayari rito.

"Sige alis na kami." Nagmamadaling sabi ni ate at hinaklit ang braso ko.

"Aray ate."

"Ano? Ikaw naman kasi ba't ba ang daldal mo?" Sabi niya at mas binilisan pa ang paglalakad.

Ako madaldal? Wow ate ha. Ako na nga itong tumulong sayo para hindi ka awkward naging kasalanan ko pa.

Biglang tumigil sa paglalakad si ate at binunot ang cellphone na nagriring sa loob ng bag. Ilang segundong tinitigan ni ate ang screen bago sinagot.

To love Where stories live. Discover now