CHOICE

0 0 0
                                    

Cassy's POV

Napamahal na ako sa unang taon ko sa sekundarya. Ang daming alala na iiwan ko dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari.

Pagka-gising ko ay agad akong bumaba para mag almusal.

Nandoon si mama at papa sa mesa, at pinag-uusapan ang ayaw kong pag-usapan.

Hiningi ni papa ang suhestyon ko ngunit
Ipinagtanggol ko ang punto ko kay papa tungkol sa pag-transfer.

"Pa, ayoko mag transfer"

Pinipilit niya talaga akong mag transfer kahit ok naman ako sa school ko. Kaya ko naman ang sarili ko sa mga taong nanakit saakin.

"Bey. Mag tatransfer ka. Ayoko nang palakihin ang diskusyong ito. Para naman ito sa ika bubuti mo. Trust me." wika ni papa at uminom ng kape.

Tiningnan ko si mama, kahit di sya mag salita alam kong gusto nya parin na sundan ko si papa.

"Kung yun po ang gusto nyo, mag tatransfer na po ako." Sabi ko.

"Anak, Cassy, Baby. Tingnan mo ko." si mama.

"Anak, mahirap ang pag transfer mo kung hindi mo ito tanggap ng buong buo. You should also choose the right choice with all your heart and mind."

-grabe ma!!!!! Nose bleed na me.... Enebe!

"Charot naman ma! May pa English2 ka pa jan. San mo nanaman yan natutunan. Sa suki mong amerikano? Hahaha" tawang tawa ko sa sinabi ko.

Pero si mama seryoso.

Anyare?

"Ma? Bakit?" Taka kong tanong.

" Anak, patawarin mo sana kame ha." Si mama.

"Bakit po?" Hayh cassy, common sense.

"Anak, dun ka muna mag iistay sa antie mo sa probinsya. Hindi ka na namin napag tutuunan ng pansin dahil busy papa mo sa pag check ng mga utility, tapos ako nag bebenta." Malungkot na saad ni mama.

"Ma? Ayoko." ayoko umiyak, nagiging baby nanaman ako. Hindi ako sanay na malayo sa kanila.

"Cassy, this is for your own good." Ma autoridad na sabi ni papa.

"Ma, please. Ayoko." At ayon tumagos na mga luha na kanina pa nag uunahang tumulo.

"Cassy, magiging maayos din lahat anak. Bibisitahin ka namin. Kayo ng mga kapatid mo. Uuwi kame anak." sabi ni mama habang hinahaplos likod ko.

"Promise nyo yan mama ha. Papa, sorry (pinuntahan ko si papa at niyakap) I love you pa."

"Mahal din kita anak"

"O sya, mag handa ka na pa. Baka malate ka pa. Narito ang toolbox mo."

Palabas na si papa nang pigilan sya ni mama.

"Pa! Panyo mo!!!"

Kinuha iyon ni papa at hinalikan si mama sa lips at noo.

Ayieeeeee chweet nila oh!!!

"Mag iingat ka!!!!" Sigaw ni mama.

Kumaway naman si papa.

"At ikaw, mag handa ka na." Sabi ni mama.

"Huh? Para saan po?"

" Kukunin natin report cards mo, good moral, at iba pang requirements sa pag enroll."

"Mama naman eh, matagal pa naman enrollment noh?"

" Gumising ka nga June 5 na tayo ngayon! Anong matagal jan. Aba'y bilisan mo na. At baka makurot ko yang singit mo!!!"

"Oo na po. Eto na po!!!"

--------------------

Hi, nagustuhan niyo ba?

Awwww namiss ko na papa ko....

Ok una pa lang to. Wala pa to kalahati kaya keep in touch and wait for my updates.

#alhika27
@alhikaHobey_27

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meadow Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon