Chapter 2 LOST

16 3 0
                                    

Isra Aya Nicole POV

Madilim na ang buong paligid ng magmulat ako ng mga mata. Inaasahan kong nasa Express Way na kami pero nakakapagtakang nasa makipot parin kaming daan kung saan puro mga naglalakihang puno at nagtataasang talahib ang makikita sa magkabilang gilid ng kalsada.

Sinipat ko ang oras sa suot kong wristwatch. 8pm.

Napakunot ang noo ko.
8pm? Pero bakit nasa ganito parin kaming kalsada?

Natatandaan kong Alas tres kami umalis sa Heaven Resort. Limang oras na ang nakakalipas. Ibig sabihin 5 hours na kaming nasa byahe. Limang oras. Dapat ata sana nasa express way na kami ngayon kung di ako nagkakamali.
Pero bakit nasa ganitong kalsada pa rin kami? Wait! Posible kayang...I mean, what? No. Imposible.

Ipinilig ko ang aking ulo upang alisin ang negatibong bagay na kaagad pumasok sa isip ko. Just relax, Aya. Imposible ang iniisip mo.

Binalingan ko si Seth na abala sa pagmamaneho at nasa harap ang tingin.
Gusto ko siyang tanungin pero nauunahan ako ng takot. Takot sa posible niyang maging sagot sa itatanong ko.
Dahil pano pala kung tama ang hinala ko?
Pero imposible. Dahil kung meron man saming apat ang mas nakakaalam sa lugar na'to. Si Seth yun. Dahil siya ang nagdala samin sa Heaven Resort. Nakarating kami doon ng hindi naliligaw kaya siguro naman makakauwi rin kami ng hindi naliligaw. Napapraning ako.

Sa halip na mag usisa ay mas pinilit ko nalang na pumikit ulit. Matutulog nalang ako ulit. Baka sa susunod kung paggising nasa tapat na ng kami ng bahay namin. Sana nga.

"Hey guys."

Nagdilat ako ng mga mata ng marinig ko ang boses ni Natalie. Umayos ako ng upo at lumingon sa kanya. Katulad ng naging reaksyon ko kanina ay halatang nagtaka din ito ng tumingin sa labas at makita ang mga naglalakihang puno  at nag
tataasang talahib na nasa magkabilang gilid ng daan.

Si Rex na kakadilat lang ay ganun din ang  naging reaksyon matapos tumingin sa labas.
Nagkatinginan kaming tatlo. At Alam ko sa mga oras na'to, pare-pareho kami ng iniisip.

"I know what you're thinking guys,  at tama kayo. Naliligaw nga tayo."

Muntik ko ng malunok ang sarili kong dila dahil sa sinabing iyon ni Seth.

"Whaaaatt?!!" Pumuno sa loob ng kotse ang sigaw ni Natalie. Mula sa pagkakaupo ay bigla pa itong tumayo kaya naman nauntog ito sa ceiling ng kotse dahilan para muli itong mapaupo.

Naging maagap naman si Rex at hinaplos haplos ang parteng nauntog sa ulo ni Natalie. 

Napailing iling nalang ako sa dahil sa naging reaksyon na yun ni Nat.

Isa talaga sa ugali nito ang pagiging OA at yun ang ayaw ko dito minsan. But this time I can't blame her kung bakit ganun ang naging reaksyon niya.  Naliligaw kami. At hindi ito biro.

Umayos ako ng upo at kay Seth naman tumuon ang atensyon ko.

"Naliligaw tayo? Paano nangyari yun? Diba ikaw ang nagmaneho ng papunta tayo dito? Don't tell me, na sa loob ng tatlong araw nating pag -i-stay sa resort ay nakalimutan mo na kaagad ang daan pauwi.?" Sunod sunod kong tanong dito.  I want an explanation. Naguguluhan ako ei. Paano nangyaring naliligaw kami?

Naramdaman kong unti unting bumabagal ang takbo namin hanggang sa tuluyang huminto.  Inalis ni Seth ang mga kamay niya sa manibela at hinarap niya kaming tatlo. Inaasahan Kong makakarinig ako ng sapat na rason mula dito pero taliwas sa inaasahan ko ang nangyari.

"Hindi ko rin Alam kung paano nangyari 'to. I'm sorry guys."  Mga salitang lumabas sa bibig nito na lihim kong ikinadismasya. 

Hindi niya alam? Nagjojoke ba siya?

"I knew it! You're just kidding, ryt?" Wala sa sariling tanong ko sabay tawa.

Siguro dahil gusto kong paniwalain ang sarili ko na nagbibiro lang itong si Seth kaya ako tumatawa. Oh,please Seth! Please tell us that you're just kidding! Please!

Ginagap ni Seth ang dalawa kong kamay dahilan para matigil ako sa pagtawa. "I'm sorry." Anito .

"Gosh! I can't believe this is happening!" Histerical paring sambit ni Nat.

"Seriously, bro?" Singit na din ni Rex na ngayon ay yakap yakap si Nat at pilit na pinapakalma.

"Yeah, bro. I'm sorry." Tanging sambit ni Seth.

Hindi na ulit nagsalita pa si Rex kaya muling bumaling sakin ang tingin ni Seth.

"We'll be fine. I promise." Anito.
Bakas na bakas sa itsura at sa boses nito ngayon ang pagkaseryoso sa sinabi kaya naman kahit papaano ay nabawasan ang aking pagkabahala.

Gumuhit ang isang ngiti sa aking mga labi kasabay ng pagtango bilang kasagutan sa sinabi nito.

"Thanks." Anito sakin bago muling tumingin sa dalawang nasa likuran.

"Sa ngayon kailangan muna nating magpalipas ng gabi sa lugar na'to. Masyadong madilim at hindi ko maaninag ng maayos ang daan." Lintanya nito na lihim kong ikinabigla. Seriously???

Wala sa sariling inalis ko ang aking atensiyon sa kanila at tumingin ako sa labas.
Kaagad akong binalot ng pangamba.
Ang dilim. Sobrang dilim. Wala akong ibang makita kundi puro kadiliman.
Yung mga naglalakihang puno at nagtataasang talahib sa magkabilang gilid ng kalsada, ngayon ay hindi ko na rin maaninag.
Sobrang nakakatakotSa totoo lang.

"I agree. Pero wag sa parte na'to. Masyadong madilim. Takot si Natalie sa dilim."

Rinig kong sagot ni Rex dahilan para muling bumaling sa kanila ang aking atensiyon.

"Sang ayon ako sa sinabi mo, Rex." Sambit ko na kay Natalie nakatingin.

Naawa ako para sa best friend ko. Kalmado na ito. Oo. 
Pero nananatili parin itong nakayakap kay Rex. Maliban doon ay nakapikit rin ito na at halatang takot dumilat at makita ang napakadilim na paligid.
She's really scared right, now. I can feel it. And its making my heart broke into pieces.

Kung naaako lang sana nararamdaman. Kanina ko pa sana inako ang sa kanya.
She's my bestfriend. My buddy. My little sister. At ayaw ko siyang nakikita na ganito ka mesirable.
Higit sa kanino man. Ako yung mas naaapektuhan.

Bago pa man ako maiyak ay mabilis ko ang tingin dito at kay Seth naman ako bumaling.

"Baka may madaanan tayong bayan na pinakamalapit dito o kahit manlang barrio na pwede nating pagpalipasan ng buong magdamag." Lintanya ko.

Tumango ito."Sige, susubukan nating maghanap." Sagot nito saka umayos ng upo at muling hinarap ang manibela.

Minsan ko pang nilingon si Natalie bago ako sumandal at umayos ng upo.
Dahil diko kayang makipagtitigan sa madilim na paligid kaya naman ipinikit ko nalang ang aking mga mata.

__

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HELL VILLAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon