1) "Anhin kong saysayin ang tinamong tuwa,
Ng kabataan ko'y malawig na lubha,
Pag-ibig ni ama'y siyang naging mula,
Lisanin yaong gubat na payapa.2) Pag-ibig anaki'y nilang nakilala
Di dapat palakihin ang bata sa saya,
At sa katuwaa'y kapag namihasa,
Kung lumaki walang hihinting ginhawa.3) "Sapagka't ang mundo'y bayan na hinagpis,
Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib,
lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis,
Anong ilalaban sa dahas ng sakit?4) "Anong taong magawi sa ligaya't aliw
Mahina ang puso't lubhang maramdamin,
Inaakala pa lamang ang hilahin
Na daratna'y di na matutuhang bathn.5) Para ng halamang lumaki sa tubig,
Daho'y nalalanta muntingdi madilig,
Ikinalulungkot ang sandaling init,
Gayon din ang pusong sa tuwa'y maniig.6) Munting kahirapa'y malalaking dala
Dibdib palibhasa'y di gawing magbayad
Ay bago sa mundo'y walang kisapmata
Ang tao'y mayroong sukat ipagdiwang.7) Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad,
Sa bait at muni't sa hatol ang salat;
Masaklap na nung ng maling paglingap,
Habang ng magulang sa irog na anak.8) Sa taguring bunso't likong pagmamahal
Ang isinasama ng bata'y bumukal,
Iba marahil, sa ka kapabayaan,
Nang dapat magturong tamad na magulang.9) Ang lahat ng ito'y kay amang talastas.
Kaya nga ang luha ni inay hinamak,
At ipinadala ako sa Atenas,
Bulag na isip ko'y nang doon mamulat.
![](https://img.wattpad.com/cover/180734470-288-ka14e4c.jpg)
BINABASA MO ANG
Laki Sa Layaw
Non-FictionHindi ako gumawa nito. Inkinikredit ko ito kay Fransisco Balagtas.