JAS-Chapter 1

19 0 0
                                    

Mahirap mag-move on pero kaya. It will take a long time pero ang importante makaka-move on ka din. Here I am in my room browsing the internet. Naghahanap ako ng mga murang deals para makapag-travel.

"Girl, sama ka sa 'kin sa Bicol?" Nag-pop up ang chat box ko, nag-message sa 'kin si Claire. Second cousin ko sa father side.

Akalain mo nga naman ang pagkakataon 'no? Brokenhearted din kasi ang isang 'to kaya gustong gumala.

"Sure! Kelan? Magkano magagastos natin?" Syempre kailangan nating isipin ang board and lodging, pagkain at pamasahe. Ito ang hassle kapag gusto mong gumala—pera.

"Pamasahe lang, girl. I have a friend in Bicol. Dalawin ko daw siya, libre foods at tutulugan." Napangiti siya sa sinabi nito. Swerte nga naman.

"G ako, girl!" Excited na sagot niya rito.

"Sa 9 alis natin, buti long weekend dahil sa Independence Day."

"True. Batiin natin ang sarili natin sa 12 ng, "Happy Independence Day!" Biro niya dito.

"Gaga ka talaga! Hahahaha."

Ang plano niya ay gawing busy ang every weekend niya hanggang maging okay ang puso niya pero siguradong iiyak ang bulsa niya.

Ang hirap mag-move on. Ang mahal!

"Eli, may ipapakilala ako sayo from other department—"

"No, thank you. Ayoko ng sakit sa ulo." Hindi na niya pinatapos ang officemate niyang si Karen.

"Sira! Nag-resign na 'yong crush mo at siya ang papalit. Hindi kita irereto sa kanya." Okay, medyo napahiya siya doon.

"Babae o lalaki?" Tanong na lang niya.

"Babae. Party animal. Sama tayo sa kanya kapag may gimmick siya?" Kita niya ang ningning sa mga mata ng kaibigan. Excited ito.

Ngayon, alam na niya kung bakit gusto nitong makilala niya ang babae. Though hindi naman ito brokenhearted, gusto lang talaga nitong maranasan ang night life. Kahit kasi gusto nilang subukan natatakot sila kasi pareho silang hindi pa nakakapunta sa bar.

Kaya mas mabuti kung may kasama silang pro na pagdating sa pagba-bar hopping.

"Mabait naman? Baka naman maarte 'yan ah."

"Hindi bes. Okay siya. Makakasundo mo rin."

And true to her words naka-sundo nga niya si Maureen. Nahilig daw ito sa night life noong stress ito sa thesis nito. Iyon ang naging stress reliever ng babae.

"You wanna come with me? Sa Tomas Morato tayo." Alok nito sa kanila na nagpaningning ng mga mata nila.

"I can't bes, maybe next week? Long weekend kasi, uuwi ako sa province." Ang pamilya ni Karen ay nakatira sa Tarlac at kapareha niya ito na kapag long weekend lang umuuwi sa probinsya nila.

"I'm going to Bicol this weekend with my cousin but thanks for inviting us, Maureen." Ayaw naman niyang iparamdam sa babae na sabik na sabik silang pumunta sa bar. Pakipot muna though may naka-sched na talaga silang lakad.

"That's sad but it's okay. Next Friday night na lang. G?" Naka-ngiting tumango sila sa babae.

After ng lunch break nila ay bumalik na sila sa working station nila ni Karen.

"Bes, ano'ng dapat isuot sa bar? Pwede na ba ang pants at shirt?" Tanong niya rito habang binubuksan ang desktop niya.

"Beshy, maraming boys doon. Try mo magpa-sexy ng konti." Suhestiyon nito na ikina-ngiwi niya.

Just A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon