JAS- Chapter 2

1 0 0
                                    

Vanity
Tomas Morato

Alas otso ng gabi nang sunduin siya ng officemate niya na sina Karen at Maureen. Ngayong gabi ang napagka-sunduan nila na pumunta sa isang bar.

She's wearing a red off-shoulder knee length dress. Hindi bastusin tingnan pero hindi rin naman manang tingnan. Karen is wearing a skirt partnered with a crop top long sleeved while Maureen is wearing a black backless dress.

Kinabahan siya nang ipinarada ni Maureen ang kotse nito sa parking lot ng bar na pupuntahan nila. Hindi niya alam kung ano'ng dapat niyang maramdaman. Rinig na rinig niya ang tugtugin na nagmumula sa loob.

Gosh! This is my first time.

Magka-hawak sila ng kamay ni Karen papasok ng bar habang nauuna naman si Maureen sa kanila. After nilang mag-bayad ng entrance fee ay dumeretso na sila sa table na kinuha nila.

Madilim ang loob ng bar ngunit bawat sulok ay may may maliliit na florescent bulbs. May liwanag din na nagmumula sa screen na nasa stage.

"Happy birthday, Jerry! May you have a blast tonight!" Napalingon siya sa stage nang mangibabaw sa ingay ng tugtugin ang boses ng DJ. Nag-flash sa screen ang pangalan ng birthday celebrant.

Nang may lumapit na waiter sa kanila ay hinayaan nila na si Maureen ang um-order para sa kanila since hindi nila alam kung anong inumin ang ino-offer ng bar.

"Don't worry, girls. Hindi naman masyado nakakalasing 'yong in-order ko. It's just a rum with coke. Um-order din ako ng nachos at pizza."

Habang nagkwe-kwentuhan sina Karen at Maureen, nagma-masid naman siya sa paligid.

Pwede pala kahit jeans and shirt lang? Nasabi niya sa sarili. Akala niya kasi skirt or dress lang ang sinusuot sa ganitong lugar.

Mukhang masyadong mataas ang standard niya sa outfit ng mga pumupunta sa bar or maybe depende sa mga bar. Kung high-end bar at pang mga socialite doon siguro 'yong mga naka-ayos talaga.

While observing the crowd napatingin siya sa lalaking nasa kabilang table na halos kadikit na rin naman ng table nila.

Ngumiti sa kanya ang lalaki at isang tipid na ngiti lang ang ibinigay niya rito bago nakisali sa usapan ng mga kasama niya.

"Do you have a boyfriend?" Tanong ni Maureen kay Karen.

"Meron. 2 years na last month." Naka-ngiting sagot nito.

"Wow. Tagal niyo na rin ah. Kami bago pa lang. 3 months, nasa honeymoon stage pa." Tumatawang sabi nito.

"Mabuti at pumayag siya na lumabas ka ngayon." Komento niya.

"He's a part-owner of this bar." Wala siyang nahimigang pagyayabang sa boses ng babae. Parang normal lang para rito ang sinabi. "Nasa opisina pa siguro niya kaya hindi bumababa but he knows that we're here."

Habang lumalalim ang gabi ay lalong umiingay ang lugar at dumarami ang tao. Medyo nahihilo na rin siya sa iniinom nila kahit wala pang kalahating baso ang naiinom niya.

"Mabilis kang malasing, 'no?" Natatawang tanong sa kanya ni Maureen.

"Yeah, pero mabilis ring mawala ang amats ko." Naka-ngiti niyang sagot.

Nang mag-aya ang mga itong sumayaw ay tumanggi siya pero napilit pa rin siya ng mga ito.

"Hindi na nila mapapansin kung hindi ka marunong sumayaw. Just move your body like your dancing kahit hindi naman talaga."

Hindi pa sila nagtatagal sa dance floor ay may mga lumalapit na sa kanila upang magpakilala.

"I'm with my girlfriend." Pagka-sabi ni Karen niyon ay hinawakan nito ang kamay niya at pinakita iyon sa lalaking nangungulit sa kanya.

Just A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon