Isa-isa kong pinaghahagis ang mga sapatos ko at walang ka-hinay-hinay na iwinasiwas ang buhok ko palayo sa mukha ko.
"Ano bang hinahanap mo? Kanina ka pa diyan"
Napalingon pa ako kay Mama na ngayon ay naka-pamewang pa habang nakatingin sa akin. Mukhang naistorbo ko yata ang pagluluto niya ng agahan.
"Eh kasi hindi ko po makita yung itim kong sandals. Alam ko nandito lang yun eh" Sagot ko saka patuloy na naghahanap.
Patuloy lang ako sa paghahanap hanggang sa mapagod akong nakatuwad kaya naman sumalampak na lang ako sa sahig kahit na naka-palda ako. Asan na ba kasi yun? Napa-iling pa ako nang maalala ko ang mukha niya. Nako! Yari talaga ako!
Ilang minuto na rin ang lumilipas at hindi ko pa rin nakikita ang sandals ko nang mapansin kong may dumadampot ng sapatos ko at ibinabalik yun sa lalagyan.
"Rubber shoes na lang gamitin mo"
Huh? Nang i-angat ko ang ulo ko ay nakita kong nakatayo na sa harap ko ang lalakeng dapat kong pupuntahan ngayon. Nako!"Ito na lang. Bagay din naman. Tayo na diyan" Sabi pa niya at tinulungan akong makatayo sa sahig.
Ako naman ay napa-kamot na lang sa ulo dahil nahihiya ako sa nangyari. Napag-usapan kasi namin na lalabas kami dahil nitong mga nakaraang araw ay naging abala kami sa kaniya-kaniyang gawain. Pagkatapos ay halos dalawang oras pa akong huli sa usapan namin dahil late na akong nagising.
"Sorry..."
"Na-late ka ng gising. I know, Lauren. Kagabi pa lang alam ko na, kaya rin ako na mismo ang pumunta dito. Isuot mo na itong sapatos at aalis na tayo"
Tumango na lang ako at nagsuot na ng sapatos saka kami nagpaalam kay Mama na aalis na kami. Kapag lalabas kami ay talagang maaga dahil ayaw na ayaw niyang ginagabi kami sa daan at dahil na rin sa kadahilanang ayaw rin niyang maging hindi maganda ang tingin ng mga magulang ko sa akin at sa kaniya.
"Ah..."
"Bakit?"
Napa-kibit balikat lang ako at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kasalukuyang naglalakad kami papalabas ng village ngayon mula sa bahay at kasalukuyan ding nagtatampo ang puso ko dahil mukhang may nalimutan siyang gawin.
"Salvatorre may nalilimutan ka yata" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita.
"Wala naman" Ano ba ito? Tsk.
"Wala kang maalala?" Tanong ko pa.
Umiling iling lang siya at patuloy lang sa paglalakad. Kaya naman hindi ko napigilang mapasimangot at dahan dahang tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Lauren"
"Ano? Mainit. Naiinitan ako" Sabi ko na lang at nauna nang maglakad sa kaniya.
"Nagsuklay ka ba?"
Ano?! Mabilis pa sa kunehong najujubis akong napahawak sa buhok ko at naramdamang hindi nga ako nakapag-suklay. Argh! Kaya naman hinalungkat ko ang bag ko at mukhang walang suklay akong nailagay.
"You're still my Lauren even though you looked like this" He said while gently brushing my hair with his right hand.
Hindi ko na napigilang mapangiti lalo na nang dahan dahang bumaba ang ulo niya at masuyong hinalikan ang noo ko. Akala ko talaga nakalimutan niya na. He has that habit of kissing my forehead when he sees me. Kaya naman nasanay ako na ginagawa niya yun simula nang naging kami at hanggang sa ngayon.
"Ang galing mo talaga magpalusot. Nakalimutan mo lang eh" Sabi ko na lang kahit sa loob loob ko ay masayang masaya ako.
"Hindi ko nakalimutan. Tara na. Nandiyan na yung taxi" Sagot niya at totoo nga naman na nandiyan na yung taxi, kaya naman hindi na ako nagpa-tumpik tumpik pa at sumakay na kami.
BINABASA MO ANG
Only You (A Short Story)
RomanceAll of this short stories are all about love, drama and a little bit of comedy and I will try my best to entertain my readers and hoping that you will get inspired and compose your own story with your creative minds. And please don't forget to leave...