Chapter1 "Muling pagkabuhay"

58 2 2
                                    


Arrrrh.......argh "Anung nangyari bakit parang hindi ko maikilos ang buo kong katawan" Iminulat ko ang aking mata ngunit ang sumalubong sakin ay kadiliman

"Nasan ako bakit ang dilim" pilit ko ginagalaw ang aking katawan ngunit ako'y nabigo .Walang lakas ang aking  buong katawan para bang pakiramdam ko'y kaytagal kong nahimlay.Muli Kong pinakiramdaman ang buo kong katawan at paunti-unti kong muli ginagalaw.

Hindi nagtagal ay unti unti ko nang naikikilos ang aking mga daliri hanggang sa buo Kong kamay. "Parang pakiramdam ko masikip ang kinalalagyan ko" sa isip isip ko

Ikinilos ko ang aking kamay ngunit nasagi ng aking kamay ay parang pader na bakal. " Nasan ako parang ako nakakulong sa isang kahon na bakal"

Nasa gitna ako ng pagiisip ng biglang sumakit ang aking ulo sabay ng pagpasok ng mga alaala at mga imahe.  "Kaninong mga alaala ito at sino ang mga nakikita kong mga imahe"

Ayon sa alaala napagtanto ko na hindi sakin itong katawang kinalalagyan ko.Ayon dito joseph ang panggalan ng may ari ng katawang ito. Si Joseph ay isang Principe ng isang makapangyarihang emperyo sa buong   lupain ng elementadja. Anak siya ng isang emperador.

Ang lupain ng elementadja ay may pitong kontinente,ang kontinente ng Aryong, anitadja, hanitadja, pulang disyerto, itim na disyerto, euriko at ang nagyeyelong kabundukan.

Ang emperyo ng banal na dragon ay ang emperyong pinamumunuan ng kanyang ama ngunit nagkaroon ng isang kaguluhan na naging dahilan upang maging kasaysayan na lamang ang emperyo ng banal na dragon at kung bakit napilitin ang emperador na ihimlay siya sa napaka mahabang panahon upang siya ay mailigtas mula sa kaguluhang iyon.

"Ahhhh ganun pala ang nangyari ,ibig sabihin nasa isa siyang kabaong???? sa ngayon????, paano ako lalabas dito???" sunod sunod kong tanong sa aking sarili.

Nang biglang may lumitaw muling alaala ." Ahhhh ganun pala kailangan ko lang palang paganahin ang aking bloodline "

Sinimulan kong paganahin ang aking bloodline ayon sa paraan sa alaala. Sa una nahirapan ako ngunit unti unti ko na rin nagagawa makalipas ang ilang saglit. Boom .....unti unting bumubukas ang kabaong kinalalagyan ko at ilang saglit pa tuluyan na rin itong nagbukas. Napapikit ako sa liwanag na sumalubong sa akin .

"Hahahhahha tagumpay makakaalis na din ako sa Wala" Muli kong Iminulat ang aking mata sa una nasisilaw pa ako sa liwanag ngunit ilang saglit lang nasanay din ang aking mata.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SUPREME MARTIAL GODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon