Dear Crush

292 6 1
                                    

Valentines Day ngayon, araw ng mga puso. Sa araw na toh' may mga masaya at syempre meron ding sawi. Alam mo crush, kabilang ako dun sa mga sawi ang valentines day nila...

Pero alam mo crush kahit ganun okey lang! Kasi nakikita kitang masaya eh'... masaya ng kasama 'siya'. Pero alam mo kahit anong tago ko, bitter parin ako eh... crush mali ba yun? Mali bang maramdaman ko yun sa tuwing nakikita ko kung pano mo sya mahalin na di mo magawa sakin!? Na nakikita ko kung pano ka ngumite pagkasama mo siya?

Ngayon naiisip ko kung bakit ang unfair ni Destiny, kasi naman bakit sa lahat ng pwedeng mahalin ikaw pa!? Ikaw na laging paasa.. ikaw na laging nagpapasikip ng dibdib ko.. ikaw na laging nagpapaluha sakin! Crush may nagawa ba ako kaya mo ako di magustuhan?

O talagang t@nga lang ako kaya kita minahal kahit alam kong walang posibilidad na magustuhan mo ako.. *sigh*

Ang loko naman kasi ni destiny eh! Ha-ha! Pwede namang pagnagmahal ka sa isang tao sya na ang para sayo eh'! Pero wala eh' ilang beses ka munang pahihirapan, at iiyak dahil sa sakit bago mo makita yung taong para sayo!

Pero alam mo, matagal ko ng gustong sabihin toh' sayo crush... gusto kita! Ay hindi-- mahal na kita! Oo mahal na kita! Pero para san pa't mahal kita!?

Kung ang laman naman ng puso mo ay siya?

Haha! Parang teleserye lang ano? Sabagay ganyan naman sa pag-ibig eh!

Akala mo scripted ang lahat dahil masyadong cliche'! Hayyy! Ang hirap mag-mahal.... lalo na sa taong hindi ka mahal.

~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~◇~

A/N: Maikli ba? Sadya ko po yan.. ayaw ko po kayo bitinin pero talagang ganyan lang kahaba yan eh! Sorry po! Pero kahit papano nagustuhan nyo? Huh? Huh? HUH???? Waaaaaah! Comment nga kayo! Huhuh!

Lab you guysz,!!! :*

~Badz

~AllrightsReserved|2014

FOLLOW ME ON TWITTER: @DetchyWP

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon