~~

9 0 0
                                    

"hay natapos rin" singhal ko at napahiga sa sahig sa sobrang pagod, 3 months na lang ako dito sa Pilipinas at pupunta na akong Italy para tuparin ang pangarap ko. Ang problema ko ngayon ay kung paano ko sasabihin to sa parents ko, tiyak na hindi sila papayag. Hay! bahala na!. Tumayo na ako at pumuntang shower room para maligo at uuwi na din ako para gumawa ng project. Hirap talagang maging 4th year college ngayon ko lang naramdaman ang hirap, di bale 2 months na lang ga-graduate na ako. Ang tanong: ga-graduate kaya ako?

Tapos na akong mag ayos sa sarili ko at magpapaalam na ako kay Maam Hazel, siya ang nagtuturo saken mag ballet.

"Maam, una na po ako" paalam ko. Siya ang nagpakilala saken sa ballet nung highschool ako, wala akong ginawa kundi ang tumambay hanggang

sa pinasayaw nya ako ng ballet dahil bagsak ako sa Mapeh at dun ko nasimulang magustuhan ito. Nailalabas ko ang emosyon ko sa pamamagitanng pagsayaw kaya gumagaan ang pakiramdam ko.

"Sige Eunice, ingat sa pag uwi" 

Lumabas na ako at kinuha yung bike ko, malapit lang naman bahay namin dito kaya nagba-bike na lang ako at para makapag excercise na rin.

Nasa tapat na ako ng bahay nang mapansin kong parang nililinisan yung katabing bahay namin, matagal na kasing walang nakatira dun kayanakakapagtaka lang bakit nila nililinisan. 

Pumasok na ako sa bahay at nakita ko si mama na nagbe-bake.

"Hi ma!" bati ko sakanya sabay kiss sa cheek.

"Ang aga mo ata, akala ko dun ka matutulog." sagot nya saken habang nakatalikod.

"Dun nga dapat kaso naalala ko kayo ni papa, baka ma miss nyo ko ng sobra. Sige ma, akyat na ako sa taas" nagpaalam na ako at pumunta na sa kwarto. Masyadong nakakapagod ngayong araw na to pero kailangan ko pang tapusin yung project ko.

Kakatapos ko lang sa project at hindi ko na namalayang hatinggabi na pala, buti sabado bukas at buong araw akong magpa-practice bukas.

Tumayo ako at pumunta sa table ko para magsulat ng diary. Busy ako pagbubuklat nito dahil ngayon lang ulit ako magsusulat dito, nang may mahulogna picture sa baba. Pinulot ko ito at tiningnan.

"Hays! ikaw pala, alam mo miss na kita. Umuwi ka na please!" bulong ko sa picture na hawak ko..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon