Prologue

36 3 5
                                    

Yukiharu's POV

"ILIGTAS NYO NA SILA!!! UMALIS NA KAYO!!! KAILANGAN NYONG MAKALIGTAS!!! PLEASE, DALHIN MO SA LIGTAS NA LUGAR ANG ANAK NATIN!"

Nakarinig ako ng isang boses lalaki...Sino sila? Nasaan ako? Anong lugar toh? May nakikita akong mga imahe ng tao pero hindi ko maaninag. Kadalasan parang mga estudyante.

Naglakad ako sa isang madilim na pasilyo... maraming nawasak na pader... sirang mga bintana... mga nagkalat na mga katawan ng tao. Maraming humihingi ng tulong... mga nagmamakaawa.

Sumasakit ang ulo ko dahil sa ingay ng mga tao. Napunta ako sa isang silid. Madilim. Nakakatakot. Marami akong narinig na malalakas na pagsabog sa labas. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid. Nahinto ang tingin ko  sa isang salamin na malapit sa may bintana.  Nakita ko ang sarili ko nung pitong taon pa lamang ako... anong nangyayari?

Naiiyak na ako dahil  feeling ko mag-isa ako. Feeling ko may kulang sa akin. Feeling ko nangyari na 'toh dati. Hindi ko lang matandaan.

"YUKI!!! YUKI!!! YUKIHARU!!! NASAAN KA BA!?"

Rinig kong sigaw ng isang babae. Tinatawag nya ako.Sino yun? Pamilyar ang boses nya. Hindi ko alam kung saan ko sya narinig...

"YUKIHARU!! (COUGH) ANAK! NASAN KA?!!!"

T-teka...an-nak? Ako? Lumabas ako sa silid habang umiiyak. Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses.

"Yuki! Nandyan kalang pala! Tara na! Kailangan nating makaligtas!"

Sabi sa akin ng isang babae. Hindi ko makita ang itsura nya. Malabo ang imahe nya.

Hinila nya ako papunta sa kung saan. Hanggang sa isang napakalakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong lugar... naramdaman ko na lang ang sarili ko na tumama sa kung saan...
Nakaramdam ako ng pagkahilo... nakita ko din ang babaeng kasama ko na nakahandusay sa sahig at duguan....

Nakatitig lang ako sa kanya at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Hanggang sa isang lalaki ang nasa gilid ng kasama kong babae ang nakatingin sa akin habang hawak ang isang baril... itinutok nya ito sa akin at may napansin akong kakaiba sa leeg nya... isang

Napabalikwas ako ng bangon sa aking kama. Panaginip... isang panaginip lang pero parang totoo. Tinignan ko ang oras...4:13a.m. maaga pa. Hindi ko na lang inisip ang panaginip ko at ginawa ang mga kailangan kong gawin.

Not knowing...that nightmare is going to change my peaceful life...   

****

****

****

Paano kung... mapunta ka sa paaralang hindi normal ang mga tao?

Paaralan na kung saan ginagawang laro ang pagpatay...

Yung tipong kailangan mong lumaban at pumatay para mabuhay...

"Chasing Life"..isang laro na kung saan matira ang matibay...

It's a battle between life and death... a game in the "School of Arcadia"

Mananatili ka ba at lalabanan ang mga may matataas na posisyon para sa mga taong nanatili sa tabi mo at tinulungan kang maging malakas? 

O aalis ka para ang pamilya na tumanggap at nagmahal sa iyo ay mailigtas? 

What will you choose to save first?

The people you needed...
Or the people who needs you?

 

School of ArcadiaWhere stories live. Discover now