Chapter 1

31 4 0
                                    

Yuki's POV
"Ingat ka pauwi. Wag ka makikipag usap kung kani-kanino. Wag na wag kang pupunta kung saan saan. Diretso ka kaagad sa bahay nyo."

"Ok. (-_-;)"

Tanging naisagot ko matapos akong paalalahanan ni Sun Raise. Yeah,cool name right? Sun Raise. Naiisip ko nga kung nasa matinong pag iisip ba yung mga magulang nya nung pinangalanan sya. By the way, my name is Yukiharu Mitssuya and I'm 17 years old.

"Yun lang ba sasabihin mo? Ang haba haba ng paalala ko sayo, ok lang ang isasagot mo?"

"Yes.(=o=;)"

"Aisshhh! Sige na nga! Ba't di pa ko nasanay sayo eh matagal ka naman nang ganyan? Haaiisst!"

Kawawa talaga sya sakin. Wala syang matinong sagot na makukuha. Eh sa ayaw ko masayang ang laway ko eh.

Saka mas nasanay akong hindi masyado magsalita. Dahil maliban sa parents ko, sya lang ang nakakausap at nilalapitan ko.

Ewan ko nga kung anong kaartehan ang pumasok sa utak ng parents ko at pinapasuot nila ako ng personalised hand gloves. Oo mayaman kami, but that's not a valid reason para magsuot pa ko ng hand gloves.

And ayaw nila na tanggalin ko 'to sa kamay ko. I don't know why, though they said that they just don't want my hands to be dirty.

Hello? Sobra sobra na kaya yung ganun. Mula pa kasi 4 years old ako, nagsusuot nako ng hand gloves. Hindi din daw ako pwede makipagkaibigan sa ibang bata. Kaya mas nasanay ako na mag-isa. But when I became a highschool student, I met Mr. Sun Raise Dawn,17 years old.Ang nag iisang taong nagsasabi na kaibigan ko na daw sya.

Mula nung makilala ko si Sun Raise, lagi na syang nagiging over protective sa akin. Katulad na lang nung nangyari kanina. Buti sana kung yung bahay namin eh sobrang layo dito sa school, kaya lang yung bahay namin nasa kabilang kanto lang naman mula dito sa school. Ang OA nya diba?

"Alis nako. Bye=_="

Lumabas na 'ko ng classroom. Pagdating ko sa bahay, dumiretso kaagad ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos ko makapagbihis, nagpahinga muna ako sa veranda ng kwarto.

"6:00p.m. na pala."

Bulong ko sa sarili. Ano naman kaya ang magandang gawin ngayon? Nakakabored.(-.-)

"Hi\(^o^)/"

"AY! BUTIKING LUMILIPAD!"

Laking gulat ko nang pagbalik ko sa loob ng kwarto ko ay may lalaking nakaupo na sa kama ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko na animo'y aatakihin ako sa puso.

School of ArcadiaWhere stories live. Discover now