*In HER Dream*
"Alam mo kung ano yung kinatatakutan kong mawala sa akin?" tanong niya sa akin.
"Hmm? Ano naman yun? Haha." tanong ko sa kaniya pabalik.
"Ang mawala ka sa buhay ko. Mahal kita, kaya kong iwan ang lahat pero ang iwan ka ang hindi ko makakayang mangyari. Ikamamatay ko yata 'yon." sagot niya habang parang nahihiyang tumingin sa akin, ngunit lalo ko namang ikinakilig.
Hinampas ko sa balikat, "Ihh! Ano ba! Kinikilig ako! Mahal din kita, hindi ko ring kayang iwanan ka, kung kailangan kong sumama sa iyo sa lahat ng mga pupuntahan mo, gagawin ko. Hindi lamang tayo magkahiwalay"
"Kinikilig ka? Talaga? Parang ako kasi yung mas kinilig sa mga sinabi mo eh" sagot niya na sobrang ngiti ang ipinapakita sa akin, kitang-kita kong kinikilig nga talaga siya sa mga nasambit ko.
"Oo nga! Haha. Kainis ka. Mas kinilig ako kaysa sa 'yo no." inirapan ko siya, pero kahit anong pigil ko hindi ko mapigilan ang aking ngiti.
Iba nga talaga ang pakiramdam ng isang taong nagmamahal, kahit anong pilit mong pigilan ito, hindi mo magagawa dahil iyon na ang nakalaan na para sa iyo.
"Patunayan mo nga na mas kinilig ka sa ating dalawa." sabi niya na parang nanghahamon at ako ay inakbayan.
Bigla namang tumaas ang aking kanang kilay, "Sa paanong paraan naman aber?"
"Kiss mo 'ko" sagot niya habang handa na ang kaniyang labi dahil nakanguso na siya. Ang cuteeee.
"Sige hmp" sagot ko nang nakangiti.
Papalapit na nang papalapit ang aking mukha sa kaniyang mukha nang biglang...
*Reality*"Antonette! Gumising ka nang bata ka! Malelate ka na naman sa trabaho mo!" sigaw ni Mama sa labas ng pinto ng aking kwarto habang kumakatok.
Hays si Mama talaga oh! Ayon na yun eh! Ikikiss ko na si Mr. Dream Guy ko eh! Kainis! Sayang! T^T Nabitin ako waaaah!
"Opo Ma! Gising na po ako" sagot ko habang nakanguso at inaayos ang aking buhok na sobrang gulo. Mas magulo pa sa buhay ko HAHA.
Pinagpapalo ko ang unan ko, "Kyah! Sayang! Konti na lang! Huhu. Promise sa susunod matutuloy na talaga yung pagkikiss namin ni Mr. Dream Guy! Promise ko talaga yan waah!"
Kumatok si Mama, "Anak may problema ba?! May ipis na naman ba diyan sa kwarto mo?" tanong ni Mama.
"Wala Ma! HAHA."
"Eh bakit ka sumisigaw kanina?!" pasigaw na tanong niya.
"May naalala lang ako Ma! Hehe. Sige na po maliligo na ako. Susunod na lang po ako sa baba."
"Sige nak" narinig ko na ang yabag ng mga paa ni Mama pababa ng hagdan.
Hay si Mama talaga ang alarm clock ko sa umaga. Kaso kasi naman eh sayang yung panaginip ko!
Kahit naman hindi ko kita ang mukha ni Mr. Dream Guy sa mga panaginip ko, alam kong yummy siya eh hihi. Napakaharot ko ha, ke aga-aga eh tsk.
Lumabas na ako ng aking kwarto. Tumingin ako sa orasan, hala?! 8 am na? Hindi ko namalayan ang oras. Aish! Yari na naman ako nito sa boss ko! Nagmamadali akong maligo at mag-ayos ng aking sarili, kinuha ang aking bag na puno ng mga files na ipapasa sa aking Boss hehe mamaya niyo na siya kilalanin hihi, bumaba na ako ng bahay at pinuntahan si Mama na kasalukuyang nasa kusina, naglalagay ng kanin sa baunan ko.
"Ma! Alis na po ako huhu, malelate na naman ako at hindi pwede yun alam mo namang kakaiba ang ugali ni Sir. Malupit kung magalit" ngawa ko habang kumukuha ng tinapay sa may dining table.
Kumagat na rin ako ng tinapay para kahit papaano busog ang lola niyo hakhak.
"Sabi ko sayo eh tsk tsk hay nako ka talagang bata ka, kahit kailan late gumising. O s'ya sige na, kumain ka roon ha? Wag kang magpapagutom naku" sermon sa akin ni Mama habang nilalagyan ng at ulam na adobo ang paborito kong ulam hihi ang aking baunan.
"Opo Ma, sige na po aalis na ko hmm salamat po sa baon! Sigurado akong masarap na naman 'tong luto mo hihi. Special adobo ni Mama ko! Yiiee I love you Ma!" humalik na ako sa pisngi ni Mama at nagmadali nang umalis para makasakay na kaagad ng jeep at makarating na sa opisina.
"Why are you late again Ms. Rivera? Pang-ilan na ba ito? At sawang-sawa na 'ko sa paulit-ulit na pag-uunawa sa'yo. Ano na naman ang idadahilan mo this time?" bungad sa akin ng aking boss na kung makatingin sa akin ay parang maya-maya ready na niya akong kainin.
Huhu Mama! Heeeeeelp! Ayoko pang mamatay nang maaga!
"Hey! Are you listening?!"
Siya si John Adrian Chris Evan Manzano. 25 years old. 5'11 ang height. Maputi, singkit, never ngumiti. Ubod ng sungit huhu. Masyado ko na ba siyang dinescribe? Hays kasi alam niyo yon? Gwapo siya eh kaso ubod ng pangit ang ugali. Parang pinaglihi sa ampalaya sa sobrang pait tss. Pero syempre kahit nagrereklamo ako sa ugali niya wala akong magagawa, secretary niya ako eh.
"Are you with me Ms. Rivera? Tinatanong kita tapos nakatayo ka lang diyan at hindi sumasagot sa mga tanong ko?"
"Ha?! Ay Sir sorry! Nalate po ako kasi.. kasi--" katulad nang dati pinutol na naman niya ang aking sasabihin hays.
"Kasi what? Puro kasi na lang! Nakakasawa na Ms. Rivera! This is the last time na pagbibigyan kita, next time na malate ka ulit, trust me, you will be fired, no excuses. Kukunin ko ang schedule ko para mamaya. Be ready." At tuluyan na siyang umalis.
Pero bigla siyang bumalik.
"Ms. Rivera" tawag niya sa akin.Nagulat ako, "Yes Sir?!"
"Ipagtimpla mo 'ko ng kape. I'll give you ten minutes para maitimpla mo 'yan at madala mo sa office ko." At totoo na siyang umalis. Pumasok na siya sa office room niya.
Hays bakit ba kasi ganoon ang ugali niya? Nakakatanda kaya ng mukha kapag laging galit ang isang tao. Tsk sige na nga bye na muna mga tagabasa at kailangan kong kumayod para sa pamilya. Baka sobrang tapang pa ang aking maitimpla at pumait masyado katulad nung ugali niya HAHA. Kaya ayon bibili muna 'ko ng maraming asukal, baka kasi maging sweet naman siya kapag sweet ang itimpla kong kape cheret! HAHA. Babush na muna mga kabasa!
Woah 1k mahigit na words! Sana suportahan niyo po itong story ko na ito! Second story ko na to.
Pasensya na po sa mga wrong grammars. Maraming salamat!
YOU ARE READING
Mr. Dream Guy
Non-FictionThis is about the girl who kept on dreaming to the guy she didn't even know in real life.