WMGMHM FANFIC
16 years ago…..
Kahit kasal na sina Aisha at Knight, Aisha still need to deal with her studies. Second year College pa rin kasi sya sa St. Thompson U kasama pa rin ang Black Kings. At sa kagustuhan ni Aisha, kasama nina Knight ang Black Kings sa iisang bahay pati na rin si Thalia, it’s been 3 months… at kahit hindi alam ni Aisha kung fertile nga ba sya o hindi, ay sinasabi nyang fertile sya kay Knight para naman makabuo sila ni ng matagal na nilang inaasam –asam na baby.
“My princess….” Halik sa tungki ng ilong ang alarm clock ni Aisha galling kay Knight, kaya’t napangiti naman sya kahit ayaw nya pang gumising.
“Hmmmm???” nakangiting tugon ni Aisha.
“It’s time to wake up, malelate ka na…” the masculinity in his voice tickles his ears, kahit pabulong lang iyon.
“5 minutes…” nakapikit pa rin si Aisha at tumagilid.
“Aisha…” He pecked her lips.
“hmmm…”
“Wake up….” Then he kiss her neck.
“ahihihihi…” nakiliti naman si Aisha pero hindi pa rin nya magawang imulat ang mga mata nya.
“DUFUS!” may otoridad na sa boses ni Knight, na unti- unting nagpamulat sa mata ni Aisha.
“bakit ba?” walang kalatoy- latoy na tanong ni Aisha, pero hindi pa rin ito bumabangon.
“6:30 am na.. 7:30 yung klase mo…” paglalambing ni Knight.
“yung grupo mo, kanina pa umalis, ikaw na lang natitira ditto..”
“talaga?” tila walang gana naman si Aisha at napapikit ulit.
“ANO BA DUFUS? TUMAYO KA NA JAN! HINDI LANG IKAW MALELATE PATI NA RIN AKO!” hindi na napigilan ni Knight na hinlain ang mga kamay ni Aisha.
“Knight naman eh! Ayokong pumasok… ditto na lang ako…” pagmamakaawa ni Aisha.
“HINDI!” mataas na ang boses ni Knight. Sa pagkakataong ito, nakaupo na si Aisha pero pupungas-pungas pa rin.
“huhuhuhuhuhuhuhuh…”
“Bakit ka ba umiiyak?” nagulat na lang si Knight nang biglang umiyak si Aisha, alam nyang minsan may sira ang tuktok ng asawa pero kakaiba ata ang Aisha ngayon, hindi sya kinukulit o maingay, para itong lantang gulay, parang pagod na pagod, samantalang wala naman sila ginawa kabagi.
“bakit ka ba sumisigaw? Hik… hik… “ patuloy pa rin sa pagiyak si Aisha, kaya’t nilapitan nya ang asawa at hinalikan sa noo.
“I’m sorry na my princess.. ikaw kasse eh..”para pakalmahin ang asawa niyakap nya si Aisha.