"Someday, someone's gonna love me, the way i wanted you to need me, someday, someone's gonna take your place"
-_____-
"hahahaha!!!! omg Honey!! iniinis ka nung kumakanta oh"
"gosh honey! hanggang ngayon ba di ka pa din nakakamove on?"
MOVE ON?
kung gaano kadaling sabiihin yung dalawang salitang yan, ganun naman din kahirap gawin..
siguro sa iba madali, madali kasi hindi naman ganun kalalim yung naramdaman nilang pagmamahal.
sakin kasi, di ko lang sya basta first love, true love ko din.. first kiss, first date, first... no, hindi namin ginawa yung bagay na yun.. at sya ang first heartache ko.
sino sya?
si asdfghjkl.
*honey*
name: HONEY MENDEZ
age: 21
course: BS BREAK UP MAJOR IN HEARTACHE
status: in the stage of moving on.
----------------------------------------------------------------------------
"araaay!! bat nambabatok ka?!"
"pakyu ka!!! anong ginawa mo sa resume ko?!"
"baket?! totoo naman ah! hahahaha!!!"
"JOLINA UY?! UMAYOS KA!!!!"
"HOY HONEY! SOBRA KA! WAG MO NGA KO TAWAGIN SA TOTOONG PANGALAN KO!"
"hindi lang yan maririnig mo kapag hindi mo inayos yan!"
"ikaw naman, di ka na mabiro! joke lang po!!!! scratch lang naman yan eh, eto yung totoo oh!!" sabay pakita sakin nung isang form na nakatagao sa ilalim ng laptop nya.
ahh.. meron na palang na print.
"naprint ko na po! pinagtitripan lang kita, teka ikaw ba sigurado dito sa pag aaplyan mo ha? baka mamaya tuwing uuwi ka sa apartment natin laging nagmumugto yang mga mata mo. alam mo kasi, pwede ka namang sa iba magtrabaho eh. bakit dun pa? inalok na nga kita dun sa company namin, pero ayaw mo. tapatin mo nga ko, kaya ba gusto mo dun kasi--"
"ilan beses ko din ba sasabihin sayo na hindi. dahil kay tita kaya ako nandun, isa pa si mommy din ang nagsabi. so, wala na kong choice"
"meron kang choice! alam ng utak mong may choice ka, pero yung puso mo, binabalewala yung sinisigaw ng utak mo. kasi yung puso mo, umaasa pa din na may balikang magaganap sa inyong dalawa ni-- okay. hehehehe.. nga pala, magba bar ako mamaya kasama si andrew. sama ka?"
buti naman nakuha ka sa tingin jolina uy.
"ayoko, sa bahay lang ako..isa pa, maaga pa yung interview ko" totoo naman, maaga pa talaga yung interview ko bukas.
"ikaw bahala, sige alis muna ko, ibibigay ko lang kay mamu tong bayad natin"
okay. i think may idea na kayo kahit paano sa nangyayare ngayon. oo tama, mag aaply ako ng trabaho sa company ni-- nya! oo sya! yung ex ko. bakit? gaya nga ng sabi ko kay jolie, (jolie na lang daw panget daw ng jolina) yun ay gusto ng mommy ko, at ng mommy nya. yes, magkaibigan yung dalawa kaya ng din kami nagkakilala eh. gusto ni mommy na dun ako kasi para daw safe. safe?! ewan ko lang kung magiging safe pa ko kapag kaharap ko na sya. hindi naman sya monstrous or something, basta! ang awkward lang pag nagkita kami, sabi naman ni tita hindi sya yung mang iinterview sakin at hindi din daw nila ako ilalagay sa management nya. oh well sana nga tsaka i trust them both ni mommy.. wag lang sila susumpungin ng kaabnormalan nila. >__<
so, ano aaplyan ko? ewan ko. hindi ko din alam. kasi naman, ang course ko psychology! sabagay pwede nila ko ilagay sa HR, o kaya ako na mag tetheraphy sa baliw nilang boss.
obviously, alam nyo namang hindi pa ko nakakamove on diba? kahit na ba one year na din ang nakakaraan mula nang mag break kami. sino bang nakipag break? sya? hindi. ako. oo ako. bakit? kasi gago sya! oo napaka gago nya. parang tinest ko lang naman sya kung kakagatin nya ba yung itatanong ko, akalain nyong patulan nya nga! tangina nya! pero sinisisi ko din kahit paano yung sarili ko. tama ba? tama ba yung ginawa ko? kung tatanungin nyo kung bakit ko sya tinanong ng break up.. nag away kasi kami. nag away kami nung araw na yun, tapos nung makikipag bati na ko sa kanya, nakita ko sya sa bar na may KA-HA-LI-KANG BA-BA-E.
arrrggghhhh!!!!! naalala ko nanaman sya bwiset!
ayoko na magbigay ng iba pang detalye tungkol sa pagkatao nya, siguro si jolie nalang pag nag speech sya, o kaya sya na lang mismo. yun ay kung kausapin nya kayo.
GOODLUCK!
---------------------------------------------------------------------------------
wenks!
akalain nyong may nagbabasa pala neto, sa totoo lang, bubrahin ko na dapat sya kaya lang may nag comment, tuloy ko daw, at may nag comment ulit na ituloy ko daw at may nag pm na ituloy ko daw. okay, eh di ituloy.. hahaha kaso di sya madalas i update ah, di pa kasi tapos yung MTS tsaka MAL at MUG. hahahahaha ayoko sa ongoing no?
salamat sa mga nakakapansin neto :)
mahal ko kayo!
---MICAH<3