#70

131 4 0
                                    

Tiwalang nasira

Nang dahil sa pambabara
Maraming tiwala ang nasira
Ngunit puso na ang natira
Kaya naman kung makaramdam ay bihira

Marami na ngang problema
Isa pa itong sasama
Wala nang panama
Dahil sila ang palaging tama

Hindi ko naman ninais
Na makaranas ng sobrang hinagpis
Kahit na ano pang pagtitiis
Konsensya ay laging dumadaplis

Sana ang tiwala
Ay hindi na muling mawala
Sapagkat marami ang magwawala
Kung masasayang lahat ng alaala

HUGOT PARA KAY CRUSHWhere stories live. Discover now