10

422 23 1
                                    

[soojin]

“junkyu, demonyo ka, mag tatlong oras ka na jan sa C.R, malelate na tayo!” sigaw ko mula sa labas ng C.R dito sa kwarto niya.

nalate kasi ng gising si gago. napuyat ata kakapractice kung pano aamin sa ryujin niya.

sumilip siya sa pinto, mukha tapos na dahil nakabihis na rin. “ikaw anghel ko, tas ako yung demonyong—”

bilisan mo na, haharot pa eh. mukha kang tanga.” hinawakan ko ang tenga niya't hinila palabas.

“sa school na tayo mag-almusal, kupad mo eh.” sabi ko at binuhat na ang bag ko para maunang lumabas.

“late nanaman royal couple! tatlong oras nanaman si Kyu sa C.R no?” salubong ni Kuya Suk nang dumating kami sa school at dumeretso sa food hall.

“araw-araw naman ganun eh, nalate lang ng gising.” pagpapaliwanag niya.

“bat late nagising?” tanong ni jeongwoo.

“kase late natulog.” sagot ni haruto.

“bat late natulog?” tanong ulit ni jeongwoo.

“kasi...” sabay nilang sabi at nagtinginan sabay tumawa ng malakas.

isa nalang braincell pinaghatian pa nitong dalawa.

“order na ako food.” di ko nalang sila pinansin. pumunta ako sa counter at pumila don.

good morning, soojin!” bati ni Zach na nakasabay ko sa pila.

“hey.” bati ko rin.

bad morning?” tanong niya.

“yeah.” 

milktea?” natawa ako sa sinabi niya. ilang linggo palang kaming nagkakilala pero alam niya na mga gusto ko. kaya crush ko to eh!

[junghwan]

“kuya kyu! psst!” pag tawag ko kay kuya kyu. tumingin siya sakin kaya nginuso ko sakanya kung nasaan si ate soojin at yung kaibigan niyang gwapo.

halata naman tong dalawa na gusto nila yung isa't isa pero ayaw magaminan eh. mas gustong maghanap ng iba.

“ano gagawin ko?” walang emosyong tanong niya. oh diba? nagseselos!

kasalukuyang tumatawa ngayon si ate jin dahil sa binulong ni kuya zach.

“tignan mo, kuya kyu! may paghampas pa si ate jin!” pang-aasar ko. triggered na to.

pabayaan mo sila, hwan.” inis na sabi nito at di na ako pinansing muli dahil naging busy na sa phone.

pbb teens din tong dalawa eh. aarte pa, gusto naman yung isa't isa, tas pag nasaktan iiyak iyak.

𝗳𝗹𝗶𝗿𝘁. ʲᵘⁿᵏʸᵘTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon