ONE SHOT

6 1 0
                                    

Dugo...
‘yan at kutsilyo lang ang nakikita ko sa aking paligid. Dugo, hindi mula sa akin kundi sa taong pinakamamahal ko. Hindi ko akalaing hahantong sa ganito ang lahat. Ang akala kong pang-habang-buhay, biglang natapos sa isang kisapmata.
Buwan ng pebrero, linggo nalang ang bibilangin at icecelebrate na namin ni Kyle ang ikatlong taon namin bilang magkasintahan. Sa tagal ng aming relasyon ay ‘di ko masasabing perpekto ito dahil wala namang ganung relasyon. Katulad ng iba ay dumaan din kami sa mga pagsubok at nagkaroon din ng mga away at tampuhan pero ang mga ito ang masasabi kong nagpatibay sa aming relasyon. Everything is going smoothly hanggang sa magumpisa ang taong ito. Sa pagsalubong namin ng bagong taon ay napansin ko ang mga kataka-takang pagbabago sakanya na hindi ko binigyang pansin. Isang pagkakamali sa parte ko na naging ugat ng lahat ng ito. Panlalamig sa akin, pagkalimot sa mga okasyong ginugunita namin at kahit sa paghatid-sundo sa akin mula sa paaralan. Isama mo pa ang bahagyang pagbabago sa pisikal niya at madalas niyang pagkausap sa kung sino sa phone na ngayon ay may password na. Kahit sino naman siguro ay magdududa di’ba pero hindi ko ‘yun ginawa dahil sa sobra kong pagtitiwala sakanya. Sa sobrang luwag ng kapit ko sakanya ay hindi ko napansing unti-unti na siyang kumakawala sa relasyon namin. Nalaman ko nalang na may iba na siyang sinasamahang kaibigan at naengganyo siya sa mga ilegal na gawain. Maliban pa diyan ay may iba na siyang kinikita. Pinagsabay niya kami ng bago niyang karelasyon. Teka... Pinagsabay nga ba? May kami pa ba? Hindi ako naniwala sa una. Syempre sino bang nasa katinuan ang itatapon ang tatlong taon na relasyon? Hindi pa kasali jan yung mga panahon na kinikilala palang namin yung isa’t-isa pero sinampal ako ng katotohanan ng makita mismo ng sarili kong mga mata yung bisyo at pangangaliwa niya. Kinompronta ko siya at dahil siguro sa drogang nasa sistema niya ay nagawa niya ako pagbuhatan ng kamay at saktan. Inamin niya sa akin ang lahat at sobra akong nasaktan. Hindi lang pisikal kundi pati na din emosyonal. Sa kabutihang-palad ay nagawa kong makalayo sa kanya mula sa marahas niyang hawak at dumiretso ako sa kusina. Hindi ko naman sinasadya at ang nais ko lamang ay ang maprotektahan ang aking sarili ngunit eto at ako pa ang naging dahilan.

Dugo mula sa taong minahal ko pero sinaktan ako. Kutsilyong sana’y puprotekta sa akin ngunit naging instrumento sa pagkuha ng buhay. Ang pagmamahalan naming habang-buhay, sa isang kisapmata ay matatapos dahil sa isang aksidente.

KasalananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon