Prologue

6 1 0
                                    

Type. Type. Type.

Isip. Isip. Isip.

"Ano ba Tin kelan mo ba matatapos yang storya mo?"

"This is not you Tin."

"Ang Tin na kilala ko ay yung nagdadala ng kilig at luha sa readers niya. So who are you then?"

I remembered it all. Lahat ng sinabi nila sakin. And i have to make those words my inspiration. Sulat lang ng sulat hanggang sa maipasa at maaproved.

Ika nga nila, "Don't give up" kaya hindi ako magigive up. Kakayanin ko to. I have to, for him-, for myself!

I was bothered by a noise outside as i was typing. Sinundan ko ang ingay na iyon, and i saw a man and a woman. They're fighting. Mag-asawa ata sila at baka nag-aaway dahil wala ng bigas. I closed my window and returned to my laptop.

"Mahimbing na natulog si Elisha at nakangiti. Alam na alam niya na safe siya sa mga kamay ni Andre kahit anong mangyari. Haharapin nilang dalawa ang lahat ng problema sa mundo ng magkasama."

It's ironic right? Ikaw, nagsusulat ng mga happy endings and such pero kahit kelan di mo pa naranasan yon. I guess 'di mo pa naranasan' is a little overstatement pero alam mo yun?

Yung gusto mo lang sumaya, gusto mo man masaktan pero may assurance kang di magtatagal yung sakit? Yung gusto mo lang kiligin? Yung parang mga fairytale? Yung kahit anong mangyari, may makakasama kapa din? Na hanggang sa huli kayo pa din?

Sana ganon nalang ang buhay no? Sana ganon nalang kadali. But i guess it's not, cause look at me now. Hindi ko na maibabalik ang dating sigla ng kamay ko sa pagsusulat. Ang makulay na istorya ng buhay ko. Hindi na yon mababalik.

Dahil nawala siya. Iniwan niya ako. Nagpakasaya siya, at ako heto, pilit na bumabangon kahit alam kong kahit kelan siya parin ang makakapag-ayos nito.

Bakit ba kasi ang ironic ng mundo?

We love the people who ignore us but we ignore the people who truly love us.

Bakit ganon? Bakit hindi nalang simplehan ang buhay? Bakit kelangang komplikado?

Bakit siya parin ang makakapagpagamot nitong puso ko kahit siya naman ang sumira nito?

Tulad nalang din ba yon ng,

Bakit green ang blackboard?

A Lifetime With YouWhere stories live. Discover now