Umuulan nanaman.Nakatingala nanaman si Sofie sa bumubuhos na tubig mula sa bubong ng bahay.Isang tao lng ang maaari niyang isipin.Ang lalaking kababata nya.Mula pagkabata ay magkasama na sila nito.Sabay pumasok,sabay umuwi.Dahil ang ina ni Sofie ay katulong ng pamilya ni Terrence.Si terrence nga yata ang una nyang hinangaan.Dahil sa Gwapo ito,Matangkad,Matipuno at mabait.Ngunit labis nyang ikinagalit ang ginawa nito sa kanya.Nang gabi bago umalis si Terrence patungong maynila para doon mag-aral ng ika-4 na taon sa highschool,niyaya sya nito na magmeryenda sa bayan,at sumama naman sya dito.Habang pauwi na sila ay huminto sa pag-lalakad si Terrence.
"Bakit ka huminto Best?"tanong ni Sofie.
"W-wala wala.."sagot naman nito.Napansin nalang nya palapit na si Sofie sa kanya.
"Nalulungkot kaba dahil aalis kana dito,O dahil baka mami-miss mo ko kaya ganyan ka?"biro ni Sofie.
"Tigilan mo nga ko,Di ako nakikipagbiruan!"galit na sambit nito.
"Sorry aman!Pinapatawa ka lang eh,Aalis kna bukas!"
"Pwes hindi ako natatawa!"
"Bat ba ang sungit mo ha?"Galit na tanong ni Sofie.
"Wala kana don!"
"Ano bang problema mo,ha?"
Hindi kumibo si Terrence.Ni hindi din lumingon sa gawi ni Sofie.Nang mapansin iyon ng huli ay nilapitan nya ang lalaki.
"Ano ba kasing Problema ha?"Ulit nya sa tanong.
"Gusto mo talagang malaman ang problema?Sige!ikaw!ikaw ang problema ko!"
"Ha?Ano bang ginawa ko?"Maang na tanong niya.
"Mahal kita,Ayaw kitang iwan!Nasasaktan ako kapag nakikita ko na parang wala lang sayo ang pag-alis ko!Mahal kita Sofie!mahal kita!"pasigaw na Sabi ni Terrence.
Si Sofie naman ay tila napatda sa pagkakatayo sa gilid ng kalsada.Tila hindi makapaniwala sa narinig.ilang segundong katahimikan ang namagitan sa kanila.Ng makahugot ng lakas ng loob si Terrence ay binasag niya ang katahimikan.
"Wala ka bang sasabihin?"tanong nya.
Napatingala nalang si Sofie sa kaharap.Tila batang hindi alam ang isasagot sa isang katanungan.
"Terrence,sigurado kaba sa sinasabi mo?"tanong na lamang niya.
"Hindi ka naniniwala?'
"Hindi naman sa ganon pero-"
Naputol na ang sasabihin nya ng bigla siyang hawakan sa baywang at kabigin ng halik.Nabigla si Sofie sa ginawa ng huli.Pero ramdam nya ang puno ng agresibong halik na iyon.Mapusok.Tila gutom.Naririnig pa nya ang pag-ungol nito.At kahit anong pagpupumiglas ang gawin nya ay hindi nya magawang makawala sa bisig nito.
Nang makakuha ng tiempo ay kumawala sya dito.At sinalubong nya ito ng malakas na sampal sa kanang bahagi ng pisngi nito.
"Bastos ka!"Hiyaw niya.Napatakbo nalang siya sa di malamang direksyon.Puno ng galit ang puso nya.Ngunit may maliit na bahagi niyon ang nagsasabing nagustuhan niya iyon,na marahil ay nabigla lang sya.
Kinabukasan ay umalis si Terrence ng hindi man lang sila nag-usap.Ni hindi nagpansinan..Nakaramdam sya ng lungkot at panghihinayang..Ngunit mas malaki ang porsyento ng galit na nararamdaman niya sa nangyari kagabi.Hindi nga niya alam kung kaya pa niya itong makaharap at makausap pagkatapos ng bagay na yon.
Napapikit nalang si Sofie ng maalala nanaman ang mga bagay na iyon.
"So Friend,Di nanaman ako makakasabay sayo sa pag-uwi ha?Alam mo na,may Date ulit kame!"anang Kaibigan niyang si Ashley.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
RomanceBeing inlove w/ your Bestfriend is like...?EWAN!!Di ko pa Na-try,pero sa Sitwasyon ni Terrence at Sofie sa kwentong ito ay talagang napakahirap..Matapos amini ni Terrence ang feeling nito kay Sofie ay agd na din itong umalis..Pero sa halos 5 taon na...