"si jex to.."
sabi nung letseng kausap ko sa phone. waaaaaah. si jex. si jex? oo si jex! si jex na poser
si jex.
"hoy." sabi niya sa kabilang linya, sorry naman. na spaced out lang ako. paksyet.
lah paanong nalaman niya ang number ko? siguro isa to sa mga fans niya na pinagloloko na naman ako.
tama. yun yon. mga haters ko to. tseh!
"pwede ba. tigilan niyo na ako. tama na yang pang tri-trip niyo sa akin. letse." sabi ko.
"huh. anong trip? tae. kaw nga tong lakas maka-trip." sabi nung lalake sa phone.
"ako? anong ginawa ko?"
"kristy. you shut your mouth. hindi ko gusto yang trip mo. di ko gusto ang status mo."
hindi niya gusto ang trip ko. liban sa status ko na di niya rin gusto. ano pa ba ang di niya gusto sa akin? bakit di niya ako diretsuhin na di niya talaga ako gusto. as in ako bilang isang nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw! hay~
tinawag na naman niya akong kristy.
"KIRSTY nga e. hindi kristy!" bobo ba to. bakit hindi niya mai-pronounce ng maayos ang pangalan ko.
"kristy o kirsty wala akong pakialam. ayus ayusin mo yang mga status mo na pinagdidiinan mong di mo ako gusto. tae. papansin ka rin no."
"waaaaaaaaaaaaaah! tumigil ka. kapal mo."
"mas makapal ka. at isa pa. pwedeng itigil mo yang kakalandi mo kay trace. takte nakakairita."
si trace.. anong problema niya kay trace?
"ikaw ba talaga si jex? di ka ba poser?" takang tanong ko.
"takte. anong poser?" ehh? bakit galit yun. guilty beyond unreasonable doubt ang drama.
"umayos ka kristy o kung sino ka mang sira ulo ka. nakakabadtrip ka. panira ka ng araw. takte." dagdag pa nun at pinatay na yung tawag.
sus. as if gusto ko naman siyang kausapin. ang gulo niya. liban sa magulo siyang kausap. malabo rin siyang nilalang.
malabo!
nawalan tuloy ako ng ganang pumasok ng first period. panira raw ako ng araw niya. nakakabadtrip daw ako. yung seryoso. diba siya dapat yung sinabihan ko ng ganun? eh siya naman kasi talaga ang unang sumira ng araw ko.
BINABASA MO ANG
It started with a FACEBOOK status
Короткий рассказang facebook ay isang malaking kahangalan! XD hindi lahat ng pagkakamali ay MASAMA. feeling ngangabells with @jexCartezo and @KirstyBabes