Special Date

11.2K 138 8
                                    

  Deib's PoV

Andito kami ngayon ni Taguro sa isang restawran sa Laguna. Inimbitahan ko kase syang mag dinner kase ang tagal na nung huli kaming lumabas dalawa. Busy kase kami parehas sa school works dahil malapit na mag sembreak.

d^_^b -ako na ngiting ngiti habang hawak ang kamay ni Taguro

d-_-b - si Taguro habang nag lalakad.

Kahit kailan talaga! Tsh! Di man lang natuwang hinawakan ang kamay nya! Badtrip.

Maya maya pa'y narating na namin ang restawran at syempre, nag pa reserba nadin ako. Hehehe.

"Good Evening, Maam, Sir. Table for two?"
Tanong ng waiter.

"Nag pa reserve ho ako. Mr. and Mrs Enrile." Sabi ko naman.

Napatingin sakin sa Taguro na nakataas ang kilay.
Tinaasan ko din sya ng kilay. 

Hmp! Kala mo ha! Matalino to hehehe..

"Oh is that so? Please follow me, Mr. And Mrs. Enrile." Sabi ng waiter at sinundan namin sya. Ang table namin ay sadyang kay ganda. May mga bulaklak at may ibat ibang kulay ng kandila. Pina una kong paupuin si Taguro bago ako umupo.

"Anong gusto mong kainin babe?" Nakangiti kong tanong habang nakapalumbaba at nakatitig sa mga mata nya.

Kinuha nya menu at prenteng sumandal habang sinisipat ang menu.

"Eto nalang aken. Tsaka juice tsaka etong dessert. Ikaw?" Seryoso nyang sabi habang nakataas ang kilay.

Grabeee... ang ganda ganda talaga ng girlfriend ko.

Napaka ganda nya sa simpleng suot na black dress. Hindi man hubog na hubog ang katawan nya pero para sakin, masasabi kong may hubog. Maputi ang kanyang binti at pinaresan nya ng itim na sandals na talagang bagay sa kanya.

"Woi!" Sita nya sakin.

"O-oh? Ano yon ule babe?"

"Ano kako yung oorderin mo? Kanina ka pa nanaginip dyan. Baka pinag papantasyahan mo nako dyan sa isip mo. Tsk nako nakooo." Sabi nya habang umiiling.

"Y-yabang mo ah!" Nakanguso kong sabi!

"Baket? Hindi ba?" Nakangisi nyang sambit habang pinag lalaruan ang basong may yelo na nasa table pala namin.

"Tsh! Ikaw!"

"Anong ako?"

"Ikaw ang gusto ko!"

"Tinatanong kita kung ano gusto mong orderin! Kung anu-ano sinasabi mo dyan!"

"Sungit neto! Ayun nalang katulad ng sayo!"

"Bat ka sumisigaw? Kalalakeng tao napaka bungangero. Tsk."

"Ikaw kase!" Sabi ko at ngumuso ng todo! Tsh. Kahit kailan talaga.

d--,b

Pasalamat sya dahil mahal na mahal ko sya. Haayss

Naghintay kami ng ilang minuto at habang nag aantay ay may nakita akong mag syota na katapat lang din ng table namin. Kitang kita ko ang pagiging sweet ng babae don sa lalake. Sya pa mismo humawak sa kamay ng lalake.

Tsh. Kailan kaya magiging ganyan ka sweet si Taguro? Hm...

"Anong iniisip mo babe?" Tanong nya sakin ng makita nya kong tulala.

"Ah wala babe, wala pa ba yung order naten babe?" Palusot ko.

"Wala pa nga eh. Oh eh ano nga yung iniisip mo?

d>_<b

Tsh. Nakakahiya kung sasabihin ko na naiingit ako don. Baka lalo nya kong asarin. Andwae!

"Woi! Ano ba? Gutom na gutom ka na ba't kanina ka pa lutang?"

"A-ah ano kase....kase.."

"Kase?.."

"Naiingit ako." At ngumuso ng todo.

"Kanino?" Takang tanong nya.

"Kase... ang sweet sweet ng babae don sa lalake. Sya yung kusang humawak sa kamay ng boyfriend nya." Nakanguso ko talagang sabi.

"Ah, gusto mo den bang..."

d0_0b

"Hawakan din ung kamay nung lalake?"

d._.b

Agad naman nag dikit ang kilay ko at lumabi!

"Loko ka ah!"

"Biro lang!" Nakangisi nyang sabi.

"Kahit kailan talaga! Hindi ka marunong magbiro Taguro!"

"Ganyan ako magbiro Sensui." Naka ngisi nyang sabi.

Tsh!

"Hindi ba pwedeng..."

d0_0b

Nagitla ako ng bigla nyang ilapit ang muka nya na halos tatlong sentimitre nalang ang pagitan ng muka namin.

"Sayo ko nalang ipakita? Para sayo lang naman tong pag mamahal ko" sabi nya sa pinaka malambing na boses. Tsaka hinalikan ang tungki ng ilong ko.

dO_Ob

d>>_<<b

Aaaahhhhh!!!! Ang mga pusooo! Nag lilitawan naaaa!!! HAHAHAHAHHA Taguro, Taguro, Taguro. Tsk tsk tsk.

Pigil na pigil ang ngiti ko habang tumingin sa labas.

Haaaaysss. Take me lord! HHAHAHAHAHA

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tagsen(Special Date)Where stories live. Discover now