Kinikilig ka sa bawat kanta,
Pagkausap mo s'ya pakiramdam mo ang saya,
Ang gaan ng feeling pag nakakausap mo s'ya pero para namang sinasaksak pag nagsimula na s'yang magdrama,
Di ko makuha bakit mahal na mahal mo s'ya,
Lalot na't alam mong taken na taken s'ya,
kung di mo s'ya kausap biyernes santo yang mood mo di ba?
Tol, Gumising ka nga, di ka n'ya mahal talaga,
Lumalapit lang sa'yo akala mo kailangan ka na,
Di mo ba naririnig yung mga sinasabi n'ya,
Puro s'ya drama pero kahit minsan di ka kinakamusta,
Hulog na hulog ka na sa mga lambing n'yang di naman para sa'yo,
Pero andyan ka parin nakikinig sa paulit ulit n'yang pag iyak sa taong karibal ng pag ibig mo,
Habang nakayakap ka sa pag-asang mamahalin ka din n'ya,
Hay, Tulog ka yata tol kaya parang nananaginip ka,
baka naman gusto mong magising na,
kasi sa totoo lang nahihirapan din kaming pinapaasa ka,
Bumitaw ka na kasi sa kapit mong akala mo may ikaw at s'ya,
di mo ba alam na may nagmamahal sa'yong di mo lang nakikita,
At kahit turing mo sakin ay kaibigan lang,
Ang hirap naring magpakatanga lalo na kung harap harapan mong pinamumukhakung gaano ka ka inlove sa kanya,
kaya ito na ang huling pahina ng love story nating sumablay,
At di na uulit pang sumabay,
Sa trip mong saktan ako,
habang binibigay mo ang lahat sa kanya at ako'y namamalimos sa pag ibig mong paasa,
at kailanma'y di kayang baguhin ng pag-ibig kong totoo at seryoso,
kaya pasensya na,tao lang din napapagod at sumusuko pag sagad na sagad na.
YOU ARE READING
Sumusuko pag sagad na (spoken poetry) Filipino
PoetrySpoken poetry in filipino, di naman ako masyado makata pero try natin kung kaya. Please feel free to comment about what you think of my work para maimprove ko pa po Salamat! Lahat po ng naka publish dito ay original na gawa ko at hindi kinopya sa ku...