Ako si Sarah, I'm the legal wife. Pero bakit kahit ako ang tunay na asawa sya parin ang pinili? May pagkukulang ba ako? May mali ba sa akin? Kulang pa ba lahat ng binibigay ko?
Ang daming tanong sa isip ko mula ng iwan nya ako.9 years of relationships with Arnold ay nauwi rin sa kasalan. 9 years naming pinag-ipunan ang dream wedding naman sa Macau at napaka saya ko ng after 5 months ng kasal namin ay biniyayaan kami ng anak. After a year isang malusog, maganda at mabait na anghel ang nagbigay ng kulay sa buhay namin.
Nang dumating ang 1st birthday ni Angel (anak ko) sinabi nya sa aking na Destino ang trabaho nya sa Baguio. Wala akong nagawa dahil para rin naman iyon sa kinabukasan ng anak namin. 2 beses nalang kong umuwi ang asawa ko kada isang buwan na pinagtaksilan ko he suppose to have 4 days for us kada buwan. Tinanong ko sya kong bakit bihira nalang sya umuwi pero lagi nyang sinasabi na marami raw trabaho sa factory. Pinaniwalaan ko iyon hanggang isang buwan na ang lumipas hindi parin sya umuuwi at bihira ko nalang sya makuntak. Sa pag-aalala ko ay pinansya kong pumunta ng Baguio at bisitahin sya.
Subrang excited ko na makitang muli ang asawa ko ay bumili pa ako ng cake kasi anniversary namin ng araw nayon. Pagkatok ko ng pinto ay isang babaeng sexy ang nagbukas sa akin ng pinto siguro ay matanda lang ako sa kanya ng 4 o 5 taon. Tinanong ko kong sino sya o kaya ay kilala nya ang asawa ko naisip ko rin na baka ay ibang bahay ang napuntahan ko. Ng pinakita ko sa kanya ang address at picture ng asawa ko ay kumunot ang noo nya at tinanong kong bakit may letrato ako ng nobyo nya at pinag kamalan pa akong kabet. Nag pantig ang tainga ko sa pag aakusa niya na isa akong kabet dahil panay ang iskandalo niya na kina kuha ng atensyon ng mga kapitbahay. Sa Gigil ko ay malakas na Sampal ang binigay ko sa napaka kapal nyang mukha na puno ng napaka kapal na make up 🤨
At nagpakilala ako as the Legal Wife.Nanlaki ang mata niya sa gulat saka naman lumabas sa pinto ang napakagaling ko na asawa na mukhang kagigising lang. Laking gulat nya ng makita ako at mas uminit pa ang ulo ko ng tinanong niya ako kong anong ginagawa ko roon. Agad ko syang sinagot at ng umiral ang kabet nya ay saka kami nagkagulo panay ang awat sakin ng mga tao at ang mas masakit bakit mas inaalalayan nya yong kabet nya kesa sa akin? Eh ako yong asawa.
Humingi siya ng tawad sa akin at sinabing hindi wala yan na niya yong babae nya.
Nangibabaw parin ang pagdududa ki kaya naman sinabihan ko syang babalik na kami ng manila at iiwan na niya ang trabaho sa lugar na iyon. Alam kong labag yon sa loob nya pero para sa buong pamilya namin ay gagawin ko ito.
After a month akala ko ay okay na pero mali ako dahil nalaman ng nagkikita pa pala sila ng babae niya at ang masaklap pa ay mahuli ko sila mismo sa sarili kong pamamahay. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Bakit kami umabot sa ganito? May pagkukulang ba ako? May mali ba sa akin? Pangit na ba ako?Sinabi nyang walang mali sa akin siya raw ang may mali at humingi sya ng tawad. Subrang sakit at Andali lang sabihing kasalanan nya. Pero bakit parang ako lang ang nahihirapan? Bakit parang ako lang ang umiiyak?
Tinanong ko sya kong mahal nya pa ako kasi kong oo ka kalimutan ko lahat magsisimula kami uli at pa patawarin ko sya. Pero mas masakit pala ang sabihin sayo ng harapan na "I'm sorry oo mahal kita pero mas mahal ko sya, hindi na ako masaya...."
Parang tinadtad ang puso ko sa sakit ano bang meron ang kabet nya na wala ako? Mas magaling ba sya sa kama? Kaya ko naman gawin ang kaya nya pero bakit sya parin? Bakit mo pa ako pinakasalan kong lulukuhin mo lang rin ako. AKO YONG TUNAY NA ASAWA PERO BAKIT ANG KABET PA ANG PINIPILI? AKO ANG ASAWA PERO BAKIT PARANG KABET ANG MAY KARAPATAN?Naging mahirap para sakin ang mag move on dumating ako sa puntong kinailangan ko ng psychiatrist. After 2 years ay saka ko lang nasabi sa sarili ko na kaya kong magsimula uli ng wala siya at mabuhay ng kasama ang nag iisang taong alam ko na syang magiging lakas ko sa araw araw iyon ay ang anak ko.
Napatunayan kong wala sa haba ng panahon ng pagsasamahan ang isang relasyon dahil kahit anong tagal nito ay mawawasak at mawawasak Kong ang isa ay magpapadala sa tukso at walang makuntentohan. Ang totoong pagmamahal nababasi sa pagiging tapat at matatatag.Ngayon 7 years na ang lumipas at masaya akong namumuhay kasama ang dalagita kong anak at ang pamilya kong hindi ako iniwan. Sa ASAWA! 🖕 WALA KANANG BABALIKAN.
Pakasaya ka!😅 Maraming salamat pa pagbabasa ng munting kwento ko laging tandaan hindi ang ganitong sitwasyon ang titibag sa tatag mo. Yong mga taong nang iiwan sayo isa silang Trial na binigay sa yo ni lord and they will be your lesson in the future 😎
Signing off I'm Sarah THE LEGAL WIFE
#SOLA
#AlexzelGalleva
BINABASA MO ANG
LEGAL WIFE
Short StoryAng estoryang ito ay hangu sa totoong buhay at ibinahagi ng isang matatag na taong nakilala ko sa aking paglalakbay. Ang mga pangalan ay sadyang binago bilang pag protekta sa personal na buhay ng ating sender. "darading rin ang araw na sarili mo nam...