Ano na nga bang silbi ng aking buhay
kung sa aking piling ika'y mawawalay
handa nga bang magdusa ang aking puso
kung sayo'y tuluyan mo kong nilalayo?
Pakinggan mo ang tinig ng iyong puso
kung sino nga bang isinisigaw nito
huwag sanay ako'y iyong paasahin
baka magdusa , aking puso't damdamin
oh! mahal ko , sanay iyong maramdaman
pag-ibig sa iyo'y aking natagpuan
kailan may hindi ko malilimutan
Sapagkat sayo'y pag-ibi'y natagpuan