C2

13 0 0
                                    

----KINABUKASAN----

Nagpaalam ako kina Tito/Tita na maglalakad-lakad lang ako sa labas, kasi naman si Besh tulog mantika hahaha! :DD Kaya napagdesisyunan ko na ako na lang mag-isa :) Sinuot ko ang ang napakagandang floral dress at ang aking sunnies ^....^ Wow! Ang ganda-ganda ko *_*

Nagsimula na akong maglakad sa may dalampasigan ng may mabunggo akong gwapong nilalang! Emeged <33 Pero dahil dun nalaglag at nabasag ang aking sunnies T.T bigay kaya sakin yun ni Mommy :( Pero gwapo naman sya kaya okay lang, bungguin ko kaya ulit to? Baka sakaling mahulog ang puso ko at plutin naman sya. Waaaah!

"ah-eh, miss sorry ha! Nagmamadali kasi ako eh :)" Emeged! Ngumiti nya ang gwapo talaga *.*

"ahh.. okay lang! gwapo ka naman :)" Hoy! ano ba kriselda!! ang landi mo talaga! Mehehehe. Sana di nya narinig *cross fingers*

"a-ano yun miss?" sabi nya.

"ha? may sinabi ba ko?" umarte akong walang sinabi. nakaka-hiya kaya :p

"I'm Ma. Kriselda Santos :) you are?" dagdag ko pa.

"Ha? ah-eh miss sorry ha? Nagmamadali talaga ako e. Nice to meet you Kriselda :*" At yun na nga umalis na sya. Tss. Hindi ko man lang nalaman ang panglan nya. >.<

Dahil sa katangahan na nangyari kanina, pinili ko na lang na bumalik sa resthouse nila besh. Naabutan ko naman si Nick na naglalaro ng xbox sa sala.

"where have you been maria?!" tanong nya sakin. Aba! Bat ba nagagalit sya?

"Jan lang sa labas naglakad-lakad" sagot ko.

"Naglakad-lakad?! o nakikipag-landian jan sa labas?!" what?!! nakikipag-landian? NO!!Sinampal ko sya. How dare him! >,<

"Nakikipaglandian Nick? Ahh, dun sa lalaki? ha-ha-ha. Nabunggo nya lang ako Nick nagsorry sya, yun lang yun" ayaw ko nang makipag-away sakanya. Wag nya akong idamay sa kung ano mang problema nya.Pagkatapos nun. Nilayasan ko sya..

--------------------------------------------

Sobrang close kami nyan dati ni Nick, sya nga ang nauna kong maging bestfriend kesa kay Cass e.Pinagtatanggol nya ako sa mga nang-aaway sakin.8 years old pa lang kami ni Cass at 10 years old si Nick nung naging magkaibigan kami.Sa lahat ng bagay magkasundo kami lalo ni Nick, pero bigla na lang isang araw di na nya ako pinansin. Ewan ko ba jan. Aamin ko bata pa lang ako gusto ko na si Nick hanggang mapamahal na ako sa kanya, kaso simula nung maghigh school sya di na nya ako pinapansin kung papansinin nya naman ako aawayin nya ako.Di ko na matiis ugali nya, kung dati pinagtatanggol nya ako ngayon sya na ang nang-aaway sakin. Ang hirap nyang intindihin. Sobrang hirap... Hayyy... Nick? Ano bang nangyari? :(

3rd day sa batangas-

Gabi na. Umupo ako sa may dalampasigan pinagmamasdan ang paggalaw ng mga alon pinakikinggan ang huni ng mga kuliglig..

Kinausap ako ni Cass. Sinabi nya sakin na dun na sya sa States mag-cocollege. Sobrang umiyak talaga ako nung sinabi nya sakin yun. Sya lang kasi ang kaibigan ko dito.Sya lang :( Gusto ko sanang sabihin kina Tito/Tita na wag na nilang paalisin si Cass at si Nick na lang ang pag-aralin sa ibang bansa kaso hindi na pwede sa sabado na ang alis ni Besh. Sino ba naman ako para pigilan sya sa pangrap nyang maka-pag-aral sa ibang bansa. Pangarap nya yun e. Nalaman ko din na si Nick lang ang maiiwan dito pero di ko alam kung bakit? Gusto ko sanang tanungin si Besh kung bakit kaso nahihiya ako, hindi nya kasi alam na gusto ko si Nick na mahal ko si Nick. Hayy, Cass mamimiss kita besh :(

------

Linggo na ngayon. Nakaalis na si Cass kahapon pa, hindi na sya nagpahatid sakin kasi ayaw nya daw na ang huli naming pagkikita ay nag-iiyakan kami tsaka baka magbago pa daw isip nya. Ayy, oo nga pala bakit kaya talaga nagpaiwan dito si Nick? Ang abnormal talaga nya. Bahala nga sya.Wala akong paki-alam sa kanya. Bahala sya :P Pero may sa lahi ako ng makulit e di ko napigilang itext sya hello meron kaya akong number nya noh? kahit na bwiset ako dun mahal ko yun mehehehe :""> hindi nga lang nya alam :/

TO: Nick<3Mokong

Bat hindi ka sumama sa kanila?

1....2....4....7...8....10.... minutes aba! Wala pang reply. :3

TO: Nick<3Mokong

Oy bakit nga? Pag di ka sumagot kakatayin kita. Di ko pa rin nakalimutan yung sinabihan mo akong nakikipag-landian. :(

Sent! *totooot totoot*

FROM: Nick<3Mokong

Sorry na Maria, hayaan mo di na kita aawayin. About dun sa tanong mo kung bakit di ako sumama? Wala lang. Ayoko lang talaga dun. HIndi ko kayang iwan yung babaeng mahal ko.

What?!! May girlfriend na sya? Bat hindi ko alam T.T

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WMKSFIL..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon