1. That Girl

54 3 4
                                    

Update 1

"Bridge wag kang matutulog hah? Kaya natin 'to. Intayin nalang natin sila at paparating na sila" sabi ko habang pinapatigas ang naginginig kong panga.

Ngumiti sya saakin ng nakapikit ang mata nya.

"Mahal na mahal na mahal kita" kanta nya saakin pero hindi na sya muling mumulat pa.

Nakaramdam ako ng takot at kaba kaya naman niyugyog ko ang kamay niya.

"Bridge gising!" halos mangiyakngiyak ko sigaw "Please wag mokong iwan! Please Bridge!" pagmamakaaway ko pero hindi parin sya sumasagot oh nagigising "Don't give up on me please!"

*alarm clock*

Minulat ko kaagad ang mata ko ng marinig ko ang tunog ng Alarm ko. Haist nanaginip nanaman ako tungkol dun. Ba't ba lagi ko nalang yun napapanaginipan?

Pinunasan ko ang luha ko sa mata bago bumangon at pumunta sa CR. Nagbrush nako ng ngipin tsaka naligo na.

After 15 minutes...

Nakabihis na ako nang pumunta ako ng kusina.

"Oh nak kain na, nagluto ako ng omelette para sayo" sabi ng babaeng naghahanda ang niluto niya

"Hindi na, magkakape nalang ako" cold kong sabi sa kanya. Ngumiti siya ng pilit pero bakas sa muka niya ang pagkalungkot. Tss

"Ano ba naman Dan. Pinaghirapan ni mama na iluto 'to para satin tapos ikaw babaliwalain mo lang" Sabi sakin ni ate Jennifer

"Kuya naman hanggang ngayon ba eh may galit kapa rin kay mama. Patawarin mo na siya, matagal naman na yun eh" Dagdag naman ni Jessica. Tss sana kung ganun kadali yun...

"Nawalan na ako ng gana. Pasok nako" pagkasabi ko nun ay tumayo na ako at lumabas ng bahay. Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive na papuntang school.

After 10 minutes...

I finally made it at school and I think I'm early because I still have 5 minutes before the bell.

As usual, pinagtitinginan nanaman ako ng mga babae dito sa campus. What's with them? Di ba sila nagsasawa sa muka ko kasi ako sawang sawa na sa mga feelers na babae tulad nila.

I'm walking in the hallway and I still have many eyes following me. Dumiretso ako sa locker ko pero sabay ng pagbukas ko sa locker ko eh sabay din ng pagbagsak ng madaming walang kakwenta kwentang papel galing sa locker ko. Ugh, hindi na ito bago saakin dahil araw araw nalang lagi akong nakakatanggap ng mga ganun. I don't bother reading them because for me there just trash so I just throw them away.

I removed all the dumb love letters from my locker tsaka ko kinuha ang isang kaha ng sigarilyo at lighter. Sisindihan ko na sana ang yosi ko nang makarinig ako ng mga yapak. Tumingin ako sa likod ko at nakakita ko ng isang babae...

Isang babaeng puno ng dugo ang kamay at kasuotan na naglalakad palabas ng locker. Nakatalikod siya saakin kaya hindi ko makita ang muka niya pero sa itsura palang ng uniform niya masasabi kong 12th grader din siya tulad ko. Mabagal lang ang paglalakad niya, hindi naman ako nakaramdam ng takot dahil sanay nakong makakita ng mga duguan.

Lumakad ako papalapit sa kanya pero nang malapit nako bigla nalang siyang hinimatay, buti nalang at nasalo ko siya.

Binuhat ko siya at pinunta ko ng clinic. Gulat na gulat ang nurse namin sa nakita niya. Well sino nga ba naman ang hindi magugulat eh ang babaeng ito ay puno ng dugo sa kanyang damit.

"Anung nangyari? Bakit duguan siya?" sabi ng nurse habang nagmamadaling inihanda ang higaan.

"Hindi ko alam, nakita ko nalang siya na ganyan sa locker room" walang emosyon kong sabi pero sa totoo lang nakaramdam din naman ako ng kaonting pag-aalala. Trauma maybe.

*school bell*

"sige iho, pumunta kana sa room mo at ako na ang bahal-" hindi ko na siya pinatapos dahil lumabas na agad ako ng clinic.

Someone's POV

Nagising ako nang marinig ko ang tunog ng School Bell namin. Tumingin ako sa paligid, nasa clinic pala ako. Mukang may tao dito kaya magpapanggap muna akong walang malay dahil ayoko ng maraming tanong.

"sige iho, pumunta kana sa room mo at ako na ang bahal-" bago pa man matapos nang nurse ang sasabihin niya ay lumabas na ang lalaking kausap niya. Malamang ang lalaking iyon ang nagdala saakin sa lugar na ito "aba bastos yun ah. Psh pasalamat siya gwapo siya kundi haaayyy" sabi ng nurse sabay pakawala ng buntong hininga

Narinig ko ang lakad ng nurse at parang may hinahanap siya dahil sa ingay na nagagawa niya.Mga ilang sabdali lang ay naramdaman ko na pinupunasan niya ako ng pamunas na binasa sa maligamgam na tubig. Malamang ay tinatanggal niya ang dugo na nasaaking balat.

Mga ilang minuto pa ay tumigil na siya sa pagpunas at naramdaman kong hinawakan niya ang I.D. ko.

"Samantha Gabriel...Grade 12.. Feldspar" patuloy parin ang aking pagpapanggap na walang malay dahil ayoko talaga ng interview ngayon.

Binitawan na niya I.D. ko at nakarinig ako ng Dial Tone. Mukang may tatawagan siya.

"Hay anu ba naman yan, bakit ngayon pa ayaw gumana ng telepono" narinig ko muli ang mga yapak niya at ang pagsara ng pinto. Minulat ko na ng tuluyan ang aking mata at lumabas na nga siya.

Sinubukan kong bumangon pero mukang masakit parin ang saksak ko sa tagiliran. Nang ako'y tuluyan ng makabangon, sinubukan ko namang bumaba ng higaan at lumabas na ako ng clinic.

Tumingin ako sa paligid at mukang walang nadaan na istudyante dito dahil kanina pa nagbell. Naglakad ako hanggang sa labas ng building.

Nagulat nalang ako ng makarinig ako ng tilian. Anung meron? Diba dapat nasa kanya kanyang room na ang bawat istudyante. Tumingin ako sa itaas at duon ko nakita ang mga mala animal na pagwawala na parang ngayon lang nakakita ng pagkain.

Nakarinig ako ng busina sa likuran ko nagulat nalang ako ng makita ko ang apat na sports car na magkakasunod dumating. Marahil yuon ang kanilang pinagkakaguluhan. Bumaba na ang mga nakasakay sa magagarang kotse.

Ang unang bumaba ay isang lalaking chinito na mukang may katawagan, ang pangalawa naman ay tila ba sinalubong ng mga babaeng halos makita na ang kaluluwa sa suot na uniform tsaka inakbayan niya ang mga ito, ang ikatlo naman ay blonde na lalaking may shades na suot at ang huli naman na bumaba ay isang lalaking cold and cool ang dating.

Tumingin muli ako sa itaas at mukang mas lalong lumala ang hiyawan, halos hindi na sila mapigil ng mga guro.

Sa aking pagmamasid sa mga kababaihang nagwawala ay parang mga hayop na gutom at ngayon lang nakakita ng pagkain.

Dahil sa katitingin ko sa mga iyon ay hindi ko namalayan na patumba na pala ako sa kadahilanan may bumunggo saakin.

Inaasahan ko na babagsak na ang aking muka sa lupa ngunit ilang segundo pa ang lumipas ay wala akong naramdaman na pagbagsak...

Ang tangi ko lang naramdaman ay isang kamay sa aking dibdib...

Nakarinig ko muli ang pagwawala ng mga istudyante ngunit hindi na ito dahil sa kilig, kundi dahil sa galit at inis...

"tsk anu ba naman yan di pa sumakto sa boobs" sabi ng lalaking nakasalo saakin "miss di masamang tumayo" pagkasabi niya nun ay tumayo na ako.

"Maraming salamat sa pagligtas saakin" pagkasabi ko nuon ay nagbow na ako at tumakbo palayo dahil mas malaking gulo ang magaganap kung magtatagal pa ako dun...

Anu bang gulo nanaman ang pinasok ko...?!!

Itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The Players Meets The AltersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon