Dear Ate,Gagraduate na ako! Sa susunod na pasukan grade seven na ako. Yun nga lang sabay ang graduation namin ni kuya John, parehong pumatak ng April 4 ang araw ng aming pagtatapos.
Narinig kong sinabi ni mama na sila daw ang aattend kay kuya samantalang kayo ni kuya Josh ang aattend sa akin.
Kaso bigla kang sumigaw na ayaw mo. Nataranta tuloy ako at nalungkot, kaya bigla kong nasabi na huwag nalang kayong umattend lahat at kay kuya nalang kayo sumama.
Muli kang sumigaw ate at sinabi mong mas masaya sa pakiramdam pag magulang ang umattend sa graduation.
Totoo naman, iba ang pakiramdam pag magulang ang kasama mo sa mahahalagang okasyon gaya nito.
Sana magbago pa ang araw ng graduation namin para pareho ninyo mapuntahan. Para hindi ko maramdaman na bias kayo.
Lubos na nalulungkot,
Bunso
BINABASA MO ANG
Dear Ate
RandomA compilation of my sister's point of view. We often fight because I just don't get her point. That's why I wrote this trying to put myself on her shoe.