[TWO]

97 6 0
                                    

"Narinig ko yung nangyari kanina. Ayos ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Karie habang nginunguya ang burger. "Heck, kung hindi kinwento ni Cel, hindi ka magkukwento, ano?" Ngumiwi siya at tila dismayado sa kung ano.

"Sanay na naman akong gano'n." Simpleng sagot ko at tamad na tinusok ang steak ng tinidor.

She laughed hysterically as she rolled her eyes on me. "Oh! Kahit humalik siya diyan ng isang libong babae, hindi ko na concern yun, Bess! What I mean is why the hell did you skipped your meals? God, look at yourself! Mukha kang bampira sa sobrang putla! Pumapayat ka pa! I'm sure kapag nalaman to nila tito at tita, they will drag you out of here! And please, ayusin mo yang buhay mo! You look like desperate!"

Ngumuso ako at pagod siyang tinignan. Gusto kong magprotesta sa parteng pumapayat ako dahil hindi naman yun totoo. Hindi ako mataba, hindi din payat. Sakto lang ba.

Ayoko nang humaba ang usapan kung kaya't minabuti ko na lang na tumango at sumang-ayon sa mga litanya niya.

She's right though. These past few months, napapabayaan ko na ang sarili ko. Madalas akong mahilo. I was once send to hospital but there is nothing serious sickness I should be worried of. Pagod at gutom lang talaga.

Pagkatapos kumain sa cafeteria ay agad akong pumunta sa building nila Knight para sana ibigay ang project na pinagawa niya sakin nung nakaraan.
Sana lang ay hindi siya busy tulad kanina.

Sa malayo pa lang ay tanaw ko na ang sementadong kinauupuan ng grupo nila na natatakpan ng umbrella tree. Tuwing bakante o kung minsan ay ngayong lunch, palagi silang naglalagi at nagpapahinga d'yan. Gusto ko din sanang tumambay sa ilalim ng puno dahil tago yun at madalang na puntahan pero agad kong pinipigilan ang sarili ko dahil paniguradong pagbabawalan niya ako.

Agad nagtama ang mata namin ni Art at agad nawala ang emosyon sa kanyang titig. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Uh, Knight, 'to pala yung pinapagawa mo." Agad kong sabi nang nakalapit ako sa likod n'ya. Inabot ko ang folder at nakita ko kung paano niya dahan-dahang binaba ang ballpen para abutin yun. Patagilid siyang humarap at kinuha ang mga papel. Ni hindi man lang niya ako tinignan.

Tahimik ang lahat ngunit agad ding nawala nang nagsalita si Sam sa gilid niya. "I heard of what happened to you, Francine. Maayos na ba ang pakiramdam mo? I think you have to rest at home for the meantime. Your professors won't mind that for sure since you're a teacher's pet." Malumanay niyang suhestyon ngunit hindi nakatakas sakin ang sarkastikong pagbigkas niya sa panghuling salita.

Maganda siya at nahubog ng husto ng panahon ang katawan. Mayaman at matalino. Sporty type at maraming achievements sa school. Marami ang humahanga sa kanya, mas matino at hindi arogante tulad ni Knight. Pero siguro parehas lang din kami dahil nahulog din ako sa lalaking kagaya niya.

"Hindi na kailangan. Pagod at gutom lang naman yun e."

"And stress, you mean." Malamig na wika ni Art habang nakatingin sa kanyang libro.

"Hindi maiiwasan yun since graduating na tayo." Hindi ko maiwasang sagutin siya sa iritadong boses.

"I don't buy your reason. Not that you're selling it anyway." Kibit-balikat niyang sagot na agad sinundan ni Shanelle.

"Baka kulang ang pinapasahod mo, Knight, kaya ganyan." Halakhak niya na sinabayan ng lahat maliban kay Art at Knight na halos walang naririnig.

Napapahiya akong tumikhim at umusog ng konti sa harapan ni Knight. "K-kung...wala ka nang ipapagawa...aalis na ako. May klase pa kasi ako ng 1pm."

"Okay. 5 pm. Gym. I don't want you late."

Kinagat ko ang labi ko. May usapan kami ni Cel at Karie sa oras na 'yon! We'll watch movie, shopping and have dinner!

Bed Of Lies   (Lies Series 1)Where stories live. Discover now