Bagay daw kame? (One Shot)

174 11 2
                                    

You can play the song anytime :)

/////////////////////////////////////////////////////////////////

"Aray! Ang sakit nun a! O eto sayo!" Sinuntok ko siya sa may dibdib niya. Woh. Tigas ng dibdib netong lalaking to a?

"Aray! Hoy! Ang hina lang kaya ng hampas ko sayo!"

"Anong mahina?! Masasaktan ba ko kung mahina lang yon?!"

"Aba ewan ko sayo! OA lang kasi ng katawan mo! Hina lang nun e!"

"Ano?! Hoy! Babae ako! Lalaki ka! Natural mas malakas yung simpleng hampas mo kesa sa todo effort kong suntok! Stupid!"

"Stupid ka rin!"

"Mas stupid ka!"

"AYIIIIIEEEEEEEE! LQ NANAMAN YUNG DALAWA OH!"

"BAGAY TALAGA SI TRISHA AT ALLEN O!"

Sigaw ng walastek kong kaklase. Kami? Bagay? Eh halos araw araw na ata kaming nag-babangayan at nagsisigawan at nag-susuntukan at nag-papatayan, tapos sasabihan kami na bagay daw kami?

"Kami? Bagay? Jusko! Di kami talo!" Pag-protesta ko sa mga sinabi nila

"Sus! Pakipot ka pa e!" Sabi ni Jason, kaklase kong lalake, at inakbayan pa ko neto

Nakita ko naman na sinamaan siya ng tingin ni Allen kaya napa-alis yung braso niya sa pag-kaka-akbay sakin.

"Goodmorning class!"  Ay. Anjan na pala yung teacher namin. Nag-takbuhan kami sa kanya kanya naming pwesto at umupo na. Eto pinaka-ayaw ko. Seatmate ko kasi si Allen e, so lagi siyang nakaka-kuha ng chance para hampasin yung kawawa kong braso.

Kasalukuyan akong nakikinig sa teacher namin ng biglang may kumagat sa braso ko.

"Aray!" 

"Masaket?"

"Umaray ako diba?! Natural masakit! Stupid." Sino bang hindi masasaktan kung may kakagat sayo? Baliw lang?

"Sorryyyyy~" Paghingi niya ng tawad sabay haplos dun sa braso kong kawawa dahil nabahidan ng kadiri niyang laway. Nananadya to e, maka-ganti nga. Kinurot ko yung pisngi niya.

"Ahruuy!" Pa-bulol niyang sabi dahil di siya makapag-salita ng maayos dahil kurot-kurot ko yung isa niyang pisngi.

"HAHAHAHA! Cute mo! Muka kang aso!" Pang-aasar ko

"Bitawan mo nga yung pisngi ko!" Pag-sigaw niya sakin. Pero imbis na bitawan ko, hinawakan ko pa yung isa pa niyang pisngi.

"HAHAHAHAHAHAHA! Muka kang flappy bird! Kapal ng labi e! HAHAHAHAHA" Pang-aasar ko ulit sa kanya.

"Ah ganon?" Sabi niya at bigla niyang pinisil yung ilong ko

"Aww! Masakit oy!" Pag-sigaw ko sa kanya

"Wala kong pake!"

"Bitaw!"

"Ikaw muna!"

"Ikaw nauna e! Kaya ikaw muna!"

"Ayoko ng--"


"Ms. Trisha and Mr. Allen! What are you doing there?!" Sigaw ng teacher kong umuusok na ang ilong dahil sa galit at inis

Napa-bitaw naman ako sa pagkaka-kurot sa pisngi niya at ganun din ang ginawa niya.

"Get out! Now!" 

Agad kaming tumayo at lumabas ng classroom.

"Ikaw kasi e!" Pag-sisisi niya sakin.

"Anong ako?! Eh ikaw nga nauna e! Kung hindi mo ko kinagat, di sana mangyayari to! Stupid!"

Bagay daw kame? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon