Chapter One

1.2K 39 9
                                    

Kyungsoo's POV

"Welcome back!" sigaw ko paglabas ko ng airport. Nandito kasi ako sa Korea to celebrate my birthday. Gusto kasi ng parents ko na dito nalang ako mag celebrate para makasama ko sila at may pag uusapan din daw kaming importante.

Dali dali naman akong sinalubong ng mga parents ko at niyakap ko naman sila.

"Eomma, Appa, I missed you!" sabi ko habang yakap yakap ko sila.

"We missed our baby too." sabi sa akin ni eomma at humiwalay sa pagkakayakap. "By the way, Happy Birthday!" bati nila sa aking dalawa. 

"Thank you!" sabi ko.

"Come on, let's go back to our house. Your friends are waiting for you there." sabi ni eomma kaya naman hinila na nila akong dalawa papunta sa kotse at pumunta na sa bahay namin.

---------

"Kyungie!"

Yan ang bumungad sa akin pagtapak ko sa aking bahay.

"Guys! Kalma lang!" sabi ko habang yakap ako nina Baekhyun, Luhan at Chen.

"Kyungie! Namiss ka namin ng sobra!" sabi ni Baekhyun.

"Ako rin! Namiss ko din kayo!" sabi ko at pinaupo naman nila ako.

"Mga anak, maiwan ko muna kayo diyan ha? Aasikasuhin muna namin yung party ni Kyungsoo mamaya." sabi ni eomma at tumango naman kaming lahat.

Pagkaalis ng mga magulang ko ay agad naman kaming nagkulitan nitong mga kaibigan ko.

"How's life sa Philippines?" tanong ni Luhan hyung.

"Okay naman hyung. Maayos naman yung patakaran nila kaso lang, ang init dun!" sabi ko.

"Oo nga eh! Mainit dun! Dito ka nalang kasi mag aral." sabi naman ni Chen at tumango naman yung dalawa bilang pag sang ayon sa sinabi ni Chen.

"Yun na nga yung iniisip ko eh. Tutal, tapos naman na yung school year sa Philippines, why not, dito ko nalang ipagpatuloy yung pag aaral ko diba?" sabi ko. "At para na din makasama ko kayong tatlo. Tagal na natin hindi nag bonding eh!"

Ngumiti naman sila at niyakap ako. How I love my friends so much!

----

"Kyungsoo, halika muna dito saglit. May pag uusapan lang tayo ng eomma mo." tawag sa akin ni appa.

"Arraseo appa. I'll be there in a minute!" sabi ko at tumayo na para umakyat sa taas. Iniwan ko muna yung mga kaibigan ko sa baba habang nanonood sila ng tv.

Pagpasok ko sa kwarto nila ay makikita mo ang seryoso nilang mukha. Umupo naman ako sa kama.

"Eomma, appa, ano po ba yung pag uusapan natin?" tanong ko sa kanila.

"Kyungsoo, alam mo naman na yung status ng business natin diba?" tanong sa akin ni appa. Tumango nalang ako.

"Hindi kasi namin kaya ng eomma mo na pabalikin pa sa dati ang business natin." sabi ni appa.

"Ano naman po ang maitutulong ko para bumalik yun sa dati?" tanong ko sa kanila.

"Yun na nga anak eh.. Ikaw lang ang makakatulong sa business natin." sabi ni eomma.

"Ano po yun eomma?" tanong ko.

"We've settled an arranged marriage to one of our business partner that can help us save our business." sabi ni eomma habang nakahawak sa balikat ko.

Nagulat ako sa sinabi nila.

"A-arranged m-marriage? Kaninong babae naman po ako ikakasal?" kinakabahan kong tanong sa kanila.

"Uhmm.. Kyungsoo... hindi ka sa isang babae ikakasal, kundi sa isang lalaki." sabi ni eomma.

"Ano?!" sigaw ko. Sa lalaki ako ikakasal?!

"You heared it right my son." sabi ni appa. "Ito lang ang way para sa business natin."

"Kailan ko po siya makikilala?" tanong ko.

"Tonight. At your party." sabi ni appa. "Hindi pa namin alam ang pangalan niya. First time din namin siyang makikilala mamaya." 

Wow, what a great birthday present that I received. This is the worst birthday  ever. Pero kung business naman na ang pinag uusapan, I would have no choice but to accept what my parents arranged for me.

-------

Nandito ako ngayon sa garden ng bahay namin kung saan gaganapin ang birthday party ko. Binabati ko ang mga dumarating na bisita at binabati din naman nila ako.

Hindi ako mapakali sa kaiisip kung sino man yung mapapangasawa ko. Mabait kaya siya? Gwapo? Hot?

Teka, bakit ko ba iniisip yan?!

Iniling iling ko nalang yung ulo ko at pinagpatuloy ang pag aasikaso sa mga bisita.

"Oh, Kyungie, bakit ang lungkot mo diyan?" tanong sa akin ni Baekhyun.

"Hindi ah! Ang saya ko nga eh!" pagsisinungaling ko sa kanya at pilit na ngumiti.

"Gusto mo bang magpahinga muna? Kanina ka pa nakatayo diyan eh!" sabi niya.

"Okay lang ako Baekhyun! No worries! Balik ka nalang dun sa table at ienjoy mo nalang yung party ko." sabi ko sa kanya.

Tinap niya yung shoulders ko at bumalik na dun sa table.

Nakita ko naman na umakyat yung mga magulang ko sa stage.

"Good evening everyone! May we have your attention please?" sabi ni appa. Tumahimik naman ang lahat at nakinig sa sasabihin ng tatay ko.

"Tonight, we are celebrating our son's birthday and also a welcome back party." sabi ni appa. "Not only that, we also have some surprise for all of you."

"May we please invite the CEO of Kkamjong Group Of Companies and my son to come up on stage to reveal the announcement."

Ito na siguro yun. Kinakabahan naman akong umakyat ng stage at nag bow sa kanilang lahat.

"Okay, tonight will also be an engagement party for my son and the son of Kkamjong Group Of Companies." sabi ni appa at nagulat naman ang lahat ng mga tao lalong lalo na ang mga kaibigan ko.

Kinuha naman ng CEO ang microphone.

"My son, come up here on stage." sabi ng CEO at may umakyat naman na isang matangkad at tanned skin na lalaki. Gwapo siya at hot! Kumbaga, isang walking porn.

"I would like to present my son, Kim Jongin."

Kinuha naman ni appa ang microphone.

"Now, everyone I would announce that my son, Do Kyungsoo is going to be engaged and is going to get married to Mr. Kim Jongin" sabi ni appa.

Nagsipalakpakan naman ang mga tao nang itabi kaming dalawa sa gitna ng stage.

"WHAAATT?!"

"NO!"

"WHAT THE HECK?!"

Napatingin naman ako sa mga taong sumigaw at nakita ko na ang mga kaibigan ko pa yun with a confused look on their faces.

Married To A Guy Named Kim JonginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon