Chapter 1

17 6 4
                                    

CHAPTER 1

“Ate Smile, matagal na kong naghihintay sa ka-sparks ko. Baka kung di ako kumilos, maubusan ako.” Ako

Napataas ang kilay niya sa sinabi ko at binatukan ako.

“Kabata bata mo pa puro na tungkol dyan pinagsasasabi mo. Eh kung magreview ka kaya muna para sa midterm mo? Matutulungan ka ba niyang sparks na yan kapag bumagsak grades mo?!” – Ate Smile

“Tse! Lumabas ka na nga ng kwarto ko! Di ko kelangan ng advice mo!”

Lumabas na ng kwarto si ate. Siya si Smile Meteorite Manriquez. Obviously, elder sister ko. Oo weird ang mga pangalan namin. Halos parehong hango sa kung anumang makikita sa langit. Si Daddy kasi, love na love ang universe, at lahat ng kung anumang meron dito. Di ko alam kung bakit. Siguro dahil sa ganda nito? Hayaan na natin.

Oo, ka-sparks ang hanap ko.

Bakit? Nakakasawa na kasing maging single.

Oo simple lang akong babae, na nangangarap ng true love. Eh ano? Lahat naman nangarap na mangyari yun. Sigurado, hindi lang ako.

Kaya naniniwala ako sa Sparks, na once na Makita ko yun sa mga mata ng taong karapat-dapat para sakin, He’s the one.

Once na magslowmotion ang lahat, sa oras na yun. Oo siya na.

I’m Starsky Manriquez, waiting for my Sparksmate.

Waiting for my SPARKSmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon