Fallen

78 5 3
                                    

Double Kill!

Malapad ang ngiti ko habang nakatingin sa screen ng computer. Ako na ang league of Legends master! Walang binatbat tong mga kalaban ko sa Yasuo ko. Kapag talaga naka-ipon na ako, bibilhin ko na siya at hindi na ako aasa sa weekly free champion.

Anyway, ang bubulok ng kalaban ko. Ggwp ez win (Good game well played easy win) to for sure.

Few minutes later...

Natalo kami.

Aba hindi ko inexpect na inaabangan pala ako nung bwiset na Twitch na yun? hindi ko rin inexpect na matatapakan ko yung mga tae ni Teemo. At sa clash, naliligtas nung Janna lahat ng kakampi niya pero yung support naming puro kill lang ang alam.

“Ui Ate.”

Napatingin agad ako sa katabi ko.

Isang lalake ang nandoon. Kahit nakaupo, halatang matangkad. matangos ang ilong. Medyo singkit. Maputi. In short- GWAPO!

"Hi ate. Ano yang nilalaro mo?"

Grabe kung maka-ate, wagas. "LOL."

"Pwedeng turuan mo ako?"

‘Ano tayo, close?’ Sambit ko sa isip. Anong trip nitong lalakeng to?

"Sige."

Siyempre, hindi naman ako ganoon kasama. Sa classroom nga, kilala ako sa pagiging nuknukan ko ng bait. Pati gwapo kasi si kuya.

Tinuruan ko siya nung basics. Tinanong ko siya kung anong role ba ang gusto niya. Sabi naman niya tank daw gusto niya. Kaya pinagamit ko sa kanya si Garen, yung basic champ na tank. Noong medyo gets na niya, naglaro kami ng isang game, siyempre kalaban pa lng AI.

At isa lang ang masasabi ko. Ang BULOK niya.

Mag 1 v 1 kaya kami? Siguro kahit anong gamitin kong character matatalo ko yan.

Maya-maya ay nagtime na ako.
Tumayo ako at lumapit kay kuya Allen James, yung bantay/may-ari ng computer shop.

"Hoy Axia, may utang ka pa sa akin." Sabi ni kuya Allen.

"Kailan ako nangutang?" Hehe, sige Axia, deny mo pa. Baka makalusot.

"Hoy linggit wag kang mag deny." Sabi ni Kuya Allen.

"Ito naman, akala mo hindi kaibigan." Sabi ko. Sana makalusot. Mabait naman yang si kuya Allen, for sure next time na niya ako sisingilin.

"Hoy Axia, kahit kaibigan kita, business is business. Malulugi ako ng wala sa oras pag nagpatuloy to."

No effect. Napakasama mo talaga kuya Allen!

Hmm… Kung gamitin ko kaya ang aking nakatagong alindog?
Teka, wala naman akong ganoon. Pandak na nga ako, flat-chested pa.

"Magkano utang niya?”
Lumingon ako at nakita si gwapong katabi ko kanina, yung bobo sa LOL.

"100, kasama na yung rent niya ngayon." Ang galing naman ni Kuya Allen, alam niyang mangungutang na naman ako ngayon.

On the other hand, grabe na pala ako kaadik sa LOL.

"Here." Sabi niya at naglabas ng P115.

Teka babayaran niya ba yung utang ko? “Teka kuya!”

“Bakit?” Tanong niya.

“Ako na magbabayad ng utang ko…” Sambit ko, “Di pa nga tayo magkakilala tapos babayaran mo na yung utang ko.”

“Thank you to para sa pagtuturo sa akin kanina. Tagal ko nang gustong subukan laruin yun eh.” Sabi niya at inabot na yung pera kay kuya Allen.

Kakahiya naman. One hour lang siya pero ang babayaran niya pang 6 hours. Bwisit na Yasuo na yan kasi, masyado akong inadik.

FALLEN (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon