Episode 1: Getting ready for school

73 7 0
                                    

Hi! Ako si Catherine Pambid. Nag aaral sa Dalit National High School o mas kilalang DNHS. Magiging grade 10 na ako ngayong taon at next year ay graduate na ako sa junior high. Excited na ako na tumapak sa senior high pero bago yun, kailangan ko munang tapusin ang grade 10.

Kadarating lang namin sa bahay ngayong hapon dahil nanggaling kami sa maynila at doon nagbakasyon. Pagod na pagod kami dahil mahaba ang byahe. Gabi na ng nakarating kami sa bahay. Hindi ko naharap na kumain dahil sa sobrang pagod kaya di ko namalayan na nakatulog na ako.

 Hindi ko naharap na kumain dahil sa sobrang pagod kaya di ko namalayan na nakatulog na ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagka-gising ko ay isang napaka gandang araw Ang bumungad saakin. Ngayon ay araw ng linggo at bukas ay ang unang araw ng pasukan. Maya maya pa ay nag ring ang phone ko.

Riiinnnngggg!

Riiinnnngggg!

Musta ka na Melanie? Bat ka napatawag?

(Melanie) alam mo na ba ang section mo? Pumunta ka na ba sa school para tingnan kung ano section natin?

(Catherine) di pa Ako pumunta, medyo pagod pa ako kasi kadarating lang namin kagabi galing sa maynila. Baka di ako makapunta kasi bibili pa lang ako ng gamit ko para sa pasukan bukas.

(Melanie) so di ka pa handa? Pero saglit, hindi na natin kaklase si Maricris.

(Catherine) huh? Nagbibiro ka ba? Ka-chat ko lang sya nung nakaraang linggo Sabi nya sa Dalit National High School parin sya mag aaral.

(Melanie) Oo, sa DNHS parin sya mag aaral pero nasa ibang section na sya.

(Catherine) pano nangyari yun? May nag transfer ba?

(Melanie) parang ganun na nga. Hindi lang si Maricris ang nawala.

(Catherine) ilan ang kaklase nating natanggal?

(Melanie) apat lahat. Yung mga nasa bottom ng rank ang nawala. Ang alam ko galing sa ibang school, at yung iba naman galing sa special section Yung apat na pumalit sa kanila. Mas mataas siguro yung general average nila kompara sa mga bottom 4 ng section natin. Baka nga mapatalsik tayo ng mga bago nating kaklase sa rank natin. Pinaghirapan ko pa naman yung mga grade ko.

(Catherine) ok lang yan Melanie, nasa iisang school pa naman tayo. Makikita pa natin sila. Kita na lang tayo bukas.

(Melanie) pero wait ulit, eto last na. Hindi ko sigurado pero baka Hindi siya yun eehhh.... Si Franz. May pangalang Franz sa section natin. Di ko nakita yung apelyedo pero may pangalang Franz. Di ako sigurado Catherine.

(Catherine) Yun lang ba? Ano naman kung maging kaklase natin sya? Ano bang meron sa kanya?

(Melanie) ok, sinabi ko lang naman just in case na.....

(Catherine) wala yun, at isa pa tapos na yun. Wag na natin sya pag-usapan.

(Melanie) ok po.... Sabi mo eehhh..... Ikaw bahala. Basta ako sinabi ko lang nakita ko.

(Catherine) oo na, bye na. See you tommorow.

- parang ayaw ko munang pumasok bukas. Bakit pa sya bumalik? Haaayyyssss. Bahala na.

Mr. RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon