Pamilya Atrebida

468 17 2
                                    

Araw ng Linggo,balak sanang magsimba ng pamilya Atrebida ngunit…

“ANTHONY!!!JUSKO ANONG ORAS KA BA MATATAPOS DIYAN?? ALAS-OTSO NA NG UMAGA !!KANINA PA NAGSIMULA ANG MISA!!”galit na galit na sigaw ni Samantha mula sa baba.Halos isang oras na silang naghihintay sa baba ng kanilang anak ngunit hindi pa rin bumababa ang kaniyang asawa kaya naisipan niyang puntahan na ito sa kwarto.

“Baby dito ka muna ha?pupuntahan ko muna si Daddy mo okay?”sabi ni Samantha sa kanyang anak na si Samuel at hinalikan ito sa pisngi

“Opo”pagkasabi ni Samuel  ay agad na umakyat si Samantha sa kanilang kwarto

Pagkaakyat ni Samantha sa kanilang kwarto ay nadatnan niya si Anthony na madaming nilalagay na kung ano-ano sa kanyang mukha

“HOY MISTER 8:30 NA PO NG UMAGA BAKA MAY BALAK KANG BUMABA DIYAN DAHIL KANINA PA NAGSIMULA ANG MISA AT KANINA PA KAMI NAGHIHINTAY NG ANAK MO DOON SA BABA!!!!”sigaw ni Samantha sa asawa at inagaw yung parang stick “AT ANO TO?EYELINER?KAILAN KA PA NATUTONG GUMAMIT NITO?SABIHIN MO NGA BAKLA KA BA?”

“Achuchuchu,mi amor (my love)ko naman masyado mainit ulo mo tignan mo oh dumadami wrinkles mo tsaka hindi ako bakla,kaya ako gumagamit ng eyeliner kasi yan ang uso ngayon saming mga lalaki,at para lalo ang gumwapo”sabi ni Anthony sa asawa at nag-pogi pose pa “Kaya tara na kasi naghihintay na si Ethan sa baba” dagdag niya pa at hinila na pababa si Samantha.Pagkababa nila ay binuhat niya ang anak at pumunta na sa simbahan.

Pagkarating nila sa Simbahan ay nakita nila ang mga taong palabas na,ibig sabihin nito ay kakatapos pa lang ng misa.Kinakabahang tumingin si Anthony sa asawa dahil alam niyang siya ang may kasalanan kung bakit hindi nanaman sila nakapagsimba kasi sobrang tagal niyang mag-ayos sa sarili.

“He-he-he , deretso na lang tayo sa mall”sabi ni Anthony sa asawa ngunit tahimik lang si Samantha,lalong natakot si Anthony sa asawa dahil sa pananahimik nito dahil alam niyang galit na galit na ito.

“Dumeretso na tayo sa Mall”sabi ni Samantha na may malademonyong ngiti

Agad-agad na nagmaneho si Anthony papuntang mall ‘Lord sana po ay makayanan  ko po mamayang gabi’ sabi niya sa sarili.Tinignan niya ang sidemirror sa kanyang kotse at nakita ang anak na nakatingin sa kanya kaya nginitian niya ito.

Pagkarating nila sa Mall ay kumain sila sa Jollibee dahil yun ang gustong kainan ng kanilang anak.Binilhan nila ng mga laruan ang kanilang anak,pumunta sa Arcade at naglaro,ritwal na sa kanila ang lumabas tuwing linggo dahil Family Day nila iyon.Nang mapagod na sila ay napagdesisyunan na nilang umuwi bandang alas 3 ng hapon.

“Sa kabilang kwarto ka matulog”walang ganang sabi ni Samantha sa asawa at binuhat si Samuel papuntang kwarto.

Nanlumo si Anthony dahil sa sinabi ng asawa,alam niya ng ito ang mangyayari pero hindi pa rin siya sanay.Sa loob ng isang buwan ay hindi sila nakakapagsimba kasi kasalanan niya kaya tuwing linggo ay sa kabilang kwarto siya natutulog.

Kinabukasan nagising si Anthony dahil sa tunog ng alarm clock niya kaya tumayo na siya kahit labag sa loob niya at nag-ayos na.Pagkababa niya ay nadatnan niya ang kanyang asawa na naghahanda ng kanilang hagaan at si Ethan naman ay nakaupo na.

“Magandang umaga!”bati niya at umupo  sa tapat Ethan at tinitigan lang ito ng mabuti.

“Hindi maganda ang umaga pag ikaw ang nakikita ko”sabi ni Samantha at umupo sa tabi nito

“Taray mo talaga mi amor  kaya idol kita eh”sabi niya at kinindatan ito

 “Psh”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pamilya AtrebidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon