Kabanata 1: Stupidity
"Ganun ba ma? Ang galing naman" sabi ko at napangiti
"Syempre ang galing talaga! Ako ang gumawa eh" sabi nito at napatawa ako
"Kanina pala..." sabi nito ng may pagkaseryoso ang boses
"Ano ma?" tanung ko para magpatuloy siya
"Nang naglalaba ako ng damit mo eh ang daming dumi tsaka may mantsa ng dugo..." sabi nito at kinabahan naman ako
"Ahhh...nasugatan ko kase ang sarili ko ng umakyat ako ng hagdan para kumuha ng libro sa library" pagsisinungaling ko, at nakumbinsi naman si mama
"Ah ganon bah?, oh sige tapusin mo nayang kinakain mo at pupunta tayo ng palengke ngayong sabado" sabi ni mama at tumango naman ako ng nakangiti
Binilisan ko ang pagkain at tumungo sa kwarto ko para magbihis...
Nagsuot lang ako ng Pants at white plain T-shirt dahil sa palengke din naman ang pupuntahan namin..."Ali?!!" Tawag sakin ni mama sa baba at lumabas naman ako agad sa kwarto ko at tumungo na sa baba na kung saan hinihintay na ako ni mama
"Aba, ang ganda naman ng anak ko" tukso ni mama saakin at namula naman ako
"Palabiro ka talaga ma!" Sabi ko at tumawa
"Sus! Halikana nga" sabi ni mama at tumawa kami at tuluyan ng lumabas ng bahay
"Yan ma, fresh yan" sabi ko sabay kuha ng kangkong
"Hindi anak..." sabi ni mama at tumawa ng marahan, napakunot naman ang noo ko
"Huh? Eh wala namang kinainan ng uod eh" sabi ko at tinawanan ako uli ni mama
"Anak, malalaman mo talaga kung fresh ang isang gulay dahil nakainan ito ng uod dahil hindi ito ginamitan ng insecticide o iba pang kemikal" sabi ni mama sakin at napatango naman ako sabay balik ng kangkong
"Ay, ganun pala yun" sabi ko ng mapagtanto
"Ganun anak, halikana at bibili tayo doon ng karne" naunang naglakad si mama at sumunod ako...
Naalala ko yung mga araw na kasama pa namin si papa
Kung nabubuhay pa sana si papa ngayun ay di kami maghihirap ni mama
Miss na miss ko na yung mga araw na nagfa-family bonding kami tuwing linggo"Aray!" Hinaing ko ng may mabunggo na matigas na bagay
"Tumingin ka sa dinadaanan mo miss" sabi ng isang boses lalaki, at napagtanto ko na sakanya pala ako nabunggo
"Sorry po..." pag-hingi ko ng pasensya sa kanya
"Tsk" saka siya umalis
Di ko na nakita ang mukha niya dahil nakayuko lang ako nun, hiyang hiya kase ako...
Tumingala lang ako ng umalis na siya, hindi ko namalayan na wala pala ako sa sarili habang naglalakad
"Ali?, bilisan mo na dyan!" rinig kong tawag sa akin ni mama at agad naman akong naglakad papunta sa kanya
"Magkano po yung isang kilo manong?" tanung ni mama sa tindero
"220 isang kilo ma'am" sagot nito at napakunot ang noo ko, sobrang mahal naman ata...parang hindi tama
"Ay ganun ba?, wala nabang ibababa yan?" tanung ni mama
"Sige, 190 nalang" sabi nito at napangiti naman si mama
"Naku! maraming salamat manong!" sabi ni mama at nagbayad, agad namang isinilid ng tindero ang karne sa plastic at ibinigay kay mama
"Ang laki naman ng tawad niya" sabi ko kay mama at napangiti si mama
YOU ARE READING
||NERDY||
Random**** Life Sucks Especially if you're a nerd Always bullied and can't fight back because of scaredness... But what if a NERDY like you is different from the nerd they know... How could your life will be change... They say sometimes hard and rough ro...