two.

125 6 1
                                    

nasa labas kami ng bagong coffee shop na sinasabi ni donghyuck hyung. tinuro niya 'yung tindahan ng crush niya na katapat lang.

"ayon 'yung tindahan nila, hintayin na lang kita sa loob. ayokong makita 'yung crush ko, hehe."

"okay. save mo 'ko ng seat."

"sure."

tumawid na ako papunta do'n sa tindahan. may sumunod sa 'kin na lalaki. gulo-gulo ang buhok nito at may hawak pang lapis, plus nakapambahay lang siya. hindi ko na lang siya pinansin.

"uh, isangㅡ"

"isang bouquet ng tulips, please?"

"hey, ako nauna."

"ambagal mo eh."

"anong mabagal? ako nga nauna, 'di ba?"

"pwede bang tumigil kayo? gagawa ako ng dalawang bouquet for the both of you. okay na?" ba't kailangang mang-irap?

"okay."

"sige po."

"oh, 'yan na mga bouquet niyo. bayad?"

"ito oh, keep the change. thanks."

"ate, galit ka? ito bayad oh."

"salamat."

sinundan ko ng tingin 'yung lalaki kanina. mukhang nagmamadali siya. nang may humintong taxi sa harap niya ay sumakay agad siya. nagkibit-balikat na lang ako, "hm, paki ko naman?" infairness, cute 'yung lalaki kahit medyo masungit.

tumawid na ako pabalik do'n sa coffee shop at pumasok sa loob. nang mahanap ko si donghyuck hyung, agad akong pumunta do'n sa lamesa at umupo (sa upuan, syempre) sa harapan niya.

"so?"

"so...what?"

"nakita mo crush ko?"

"hindi, mukhang wala yata siya do'n eh. kapatid niya 'yung nagbenta."

"ay, okay."

"h'wag kang mag-pout, hindi ka cute."

"wow, nahiya ako. hindi kaya kita ilibre d'yan, gusto mo?"

"hala! ito naman, nagbibiro lang. syempre, libre mo 'ko, hehe. gusto ko ng caffuccino."

"okay. wait here."

"thank you."

"ew, 'wag kang mag-wink." tinawanan ko na lang siya bago siya umalis papuntang counter.
-

𝗧𝗨𝗟𝗜𝗣𝗦 ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘭𝘦.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon