To Love Again 2 (1st Part).

322 7 1
                                    

Hello! here is chapter 2 :) 1st part pa lang po yan- POV ni Francis. Sa 2nd part yung POV naman ni Ella. Hindi ko pa dapat i-popost eh, kaya lang parang ang haba na hehe!

Well, I hope you enjoy! :) Salamat din kay @fangirl123 for my first comment! :)

By the way, inspiration ko sa chapter na ito ang "Dahil Sa Pag-ibig"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 2: Childhood Friends 1/2.

"O sige pare. This weekend ah, susuduin na lang namin kayo para isang sasakyan na lang tayo. Oo nga, matagal-tagal na rin. Ok, ok. Sige. Ingat din. Bye." 

"Sinong kausap mo pa?" tanong ko sa dad ko. Bahagya ko siyang narinig na may kausap sa telepono. Hindi ko narinig ang buong usapan nila pero mukhang may lakad this weekend.

"Ah yung tito mo. Oh sa weekend ah, huwag ka gagawa ng lakad. Samin ka sasama ng mama mo." sagot ng dad ko sakin.

"Sige pa. Matagal-tagal na rin naman ng huli tayong lumabas na buong pamilya. Teka nga po pala, sinong tito po ba yung kausap niyo? Sasama rin ba sila?" patuloy kong paguusisa sa dad ko.

"Si tito..." *Rrrrrinnggggg rrrringgggg* bigla namang tunog ng telepono ni dad.

"Sorry son, I have to take this call. It's work. Let's talk later. Sa weekend ah. - Hello, Yes. Yes that's right!" sabay sagot sa phone niya.

--- Dad talaga. Basta work laging nagmamadali. Buti na lang at hindi niya nakakalimutang bumawi sa amin. ---

Pero napapaisip pa rin ako. "Sinong tito kaya yun?" tanong ko sa sarili ko.

"Ah baka si Tito Neldy!" sabi ko ulit sa sarili ko.. 

--- Si Tito Neldy ang nag-iisang kapatid ng dad ko. Lagi rin kasi yun busy sa work, so it only make sense kung gusto nila mag-family get together. ---

Nakalma na ako at isinangtabi na ang pag-iisip.

 ....At dumating na nga ang araw ng aming family outing!.

"Gising na Franics! Bilis baka ma-traffic pa tayo sa daan! Bangon na, Ano ba!" pangungulit sakin ng mama ko.

--- Maaga niya akong ginising. Malayo-layo rin kasi ang rest house namin from here. Pero dahil may tinapos pa akong assignment last night, eto, tuliro ako at antok na antok pa. Kaya pag sakay ng kotse, natulog ako ulit. Hindi ko alam gaano na kami katagal bumabyahe ng magising ako. ---

"Anak, iurong mo naman gamit mo. Saan uupo sila tito mo nyan." utos sakin ng mama ko.

Wala pa ako sa ulirat dahil nga kakagising ko lang, kaya't  tumingin muna ako sa paligid. Familiar ang lugar. Pero hindi ito ang daan papunta sa bahay nila Tito Neldy. Huminto ang kotse namin sa tapat ng isang puting gate.

Bigla akong nanlamig. Parang bigla na lang tumigil ang pagtibok ng puso ko o baka naman bumilis ng sobra ang tibok, hindi ko na maramdaman?! Basta! Hindi ako mapalagay!!!

"Bahay to' ni........." sabay bukas ng pinto ng van at excited na tili ng mama ko. "ELLA!"

--- Si mama na nagtuloy.... bahay nila Ella! ---

Para akong yelo sa lamig. Ayan siya. Sa harapan ko. Mukhang nagulat din siya. Hindi siya nakagalaw agad sa kinatatayuan niya. Nagkatitigan pa kami. Naputol lang ng tawagin siya ni mama.

"O Ella dyan ka na sa tabi ni Francis umupo. Dito na sa tabi ko ang mama mo." sabay tapik sakin, "Francis gamit mo naman!"

Nabigla ako kay mama kaya dali-dali kong tinanggal ang gamit ko para makaupo si Ella.

"Thank you Tita." nakangiti niyang sabi sa mama ko.

Napatingin ulit siya sa akin. Mukhang nagaalangang umupo, pero umupo rin naman.

Nagsimula na nga uling umandar ang sasakyan. Pero ako, nanlalamig pa rin. 

"Wow, ang babaeng iniwasan ko for 2 years. Ang babaeng dahilan kung bakit ang lahat sa campus akala woman-hater ako.... ang babaeng dati kong ma-- WAIT, STOP! Francis huwag mo nang ituloy. Walang ganun OK!" napa-iling ako.

"Francis bakit hindi mo kinakausap ang kababata mo?" tanong ni mama. Nakita niya siguro ang bigla kong pag-iling at gusto na naman niyang mang-usisa.

"Oo nga. Bakit hindi kayo nag-uusap na dalawa? Minsan na nga lang kayo magkasama hindi pa kayo nagkikibuan. Dati-rati ang hirap niyong paghiwalayin ah." gatong pa ng mama ni Ella.

"Ay oo nga. Naalala ko yon. Hindi ba nagtatago pa yang dalawang yan sa atin pag alam nilang uuwi na tapos....." daldal pa ng mama ko.

"Ma, we could hear you, you know!" bigla kong sabi para matigil na si mama sa kanyang kwento. 

"Eh bakit ba? Natutuwa lang naman kami ng tita mo na balikan yung mga memories nung mga bata pa kayo!" nanlalaking matang sagot sa akin ng mama ko.

"Inaantok pa po kasi si Francis eh" sabat naman ni Ella.

"Nawala na nga eh. Dumating ka kasi." automatic na sagot ko nung narinig ko ang pangalan ko na sinabi ni Ella.

Nagulat ako sa sarili ko. Hanggang ngayon pala marinig ko lang na banggitin ni Ella ang pangalan ko, automatic pa rin akong sumasagot. Kahit siya mukhang nagulat. Hindi niya yata ini- expect na sasagot ako.

"Sorry ah. Naabala pala pagtulog mo dahil sakin. Nahiya naman ako sayo!" sagot naman niya sa akin.

"Ano yon?! Ang taray naman nito!" ang nasabi ko sa sarili ko.

"Wow, ang ganda rin ng hello mo sakin ah! Talagang kailangan nag-susuplada. Sa bagay, para ano pa't tinawag kang man-hater diba!" sabay tingin sa kanya with an emphasize sa last word ko, 'man-hater'.

Akma pa sanang may sasabihin si Ella ng biglang nagtanong ang mama niya. "Anak, may kailangan ba kaming malaman? magkaaway ba kayong dalawa?"

Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa... hinila ko ang braso ni Ella, inakbayan siya, ginulo ng konti ang buhok niya sabay sabing, "Lambingan lang po natin yon tita!"

Nang ma-realize ko ang ginawa ko, bigla akong napatingin sa kanya at yun na naman, nagkatitigan kami. Hindi ko namalayan ang lapit na pala namin sa isa't-isa. Para na kaming magkayakap kaya bigla ko siyang binitiwan.

"Mga batang to' talaga." narinig kong sabi ng mama ko.

Nakakahiya. Bakit ko ba yon nagawa?! Pero bakit ganun? parang magaan pa pakiramdam ko. Dahil kaya matagal na kaming hindi nagkakalapit ng ganun? Na-mimiss ko na nga ba siya?

Ilang oras pa ang nagdaan at stuck pa rin kami sa traffic. Nakatulog na ang mga mama namin at ang mga daddy namin, yun nagkwekwentuhan pa rin para hindi antukin ang isa.

--- si Ella... ayan, maganda pa rin... este inaantok! Inaantok si Ella! Pagewang-gewang na nga eh. ---

Hindi ko mapigilang ngumiti kaya humarap ako sa may bintana. Nagulat na lang ako biglang bumagsak na sa braso ko.... Yun tulog na pala!"

Napatingin ako sa kanyang among mukha. "Na-mimiss ko na nga siya." pabulong kong sinabi sa sarili.

Ilang oras pa at dumating na rin kami sa rest house namin. Hindi ko rin pala namalayan nakatulog rin ako. Ginising kami ng mama ni Ella.

Nagulat kaming pareho dahil pag dilat pa lang ng mga mata namin... nagkatitigan na kami. Napatalon din siya sa kanyang inuupuan ng makitang ang isang braso niya ay nakayakap sa akin.

Tumingin siya ulit sa akin bago bumaba ng sasakyan.

Sumunod na rin ako sa kanya. Tumayo ako sa harap ng rest house namin at pinagmasdan ito. Ang daming memories nito sa akin.

Bigla naman akong inakbayan ng dad ko. "Don't you think this weekend will be interesting? Ngayon lang tayo ulit nakalabas ng ganito." sabi ng dad ko.

Ngumiti lang ako at sumagot ng..... "Definitely. Something to remember... again." 

                                     TO BE CONTINUED WITH ELLA'S POV.....

To Love Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon