Bakit mahirap maging mabait?

1.6K 20 10
                                    

Sabi nila kung sino daw ang mabait mas minamahal.

Ang pagiging mabait mas pinagpapala.

Ang pagiging mabait mas maraming kaibigan.

Ang pagiging mabait mas sumasaya.

Ang pagiging mabait mas konti ang problema...

Pero dahil  sa pagiging mabait mas lalo kang nasasaktan.

Sa pagiging mabait, masyado ka naaabuso.

Sa pagiging mabait, di ka pwede magalit.

Sa pagiging mabait, di ka pwede mapikon.

Sa pagiging mabait, kailangan lagi ka nagpaparaya,

Sa pagiging mabait, kailangan lagi ka nakangiti.

Sa pagiging mabait, bawal ka masaktan.

Pero sinong tao ba ang walang limitasyon?

Lahat napupuno.

Lahat naiinis.

Lahat nagagalit.

Lahat nalulungkot.

Lahat nasasaktan.

Lahat may limitasyon.

At higit sa lahat. ito hangganan.

Pero pag dumating ka na sa punto ng iyong hangganan,

at pinili mo ang magbago, ikaw pa ang lalabas na masama.

Pag nagbago ka, ang lahat may side comment.

Pag nagbago ka, marami ang maiinis.

Pag nagbago ka, lahat may pintas sayo.

Pag nagbago ka, parang hindi ka na tao.

Pag nagbago ka, parang salot na ang dating mo.

pag nagbago ka, sasabihin ang sama sama mo.

Di ba pwedeng hanapin mo ang sarili mo nang walang humuhusga sayo?

Kasi bilang mabait na tao, di mo maipakita sa kanila na nasasaktan ka na.

Di mo mailabas ang sama ng loob na iyong nararamdaman.

Di mo msabi kung ano ang nasa loob mo.

Di mo masabi na ganito ka lang at wala ka nang magagawa.

Di mo masabi na ayaw ko nito ayaw ko niyan.

Bakit ba kasi inaabuso ang pagiging mabait?

Minsan, hindi mo mailabas ang sama ng loob hanggang sa maipon na lang ito at mapaluha ka, 

habang iniisip mo ang mga bagay na nakasakit sayo.

bakit ang hirap? 

Sana.... katulad din nila ako na may lakas ng loob na ipaglaban ang kanilang nadarama.

Na ipahiwatig kung ano ang ayaw at gusto nila.

At may lakas ng loob para ipaglaban ang sarili nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit mahirap maging mabait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon