KILLER
"I'ts not you, Xander. You are not a killer. The diseases you have is!" pilit kong pinapatahan si Xander sa pag-iyak dahil sa may napatay na naman ito kaninang madaling araw.
"I-.. I killed someone, Anne. I.. I.. k-killed someone.. and he died because of me.. Anne.. w-why do I have to kill these innocent people?" patuloy parin ang pag iyak nito habang inaalo ko.
"I'm the one who supposed to ask you that. Why, Xander?" Kinalas ko ang pagkakayakap namin sa isa't isa at tinignan siya ng diretso sa mata.
"I've already told you why.. Anne" Lalo pang rumagasa ang luha nito. Sinulyapan ko ulit ang peklat niya sa may bandang puso kung saan sinasabi niyang ginawa sa kanya ng lalaking nasa panaginip niya.
Sinabi niya na rin sa mga magulang niya na ang dahilan sa patuloy niyang pagkitil ng buhay ng tao ay dahil sa lalakeng nasa panaginip niya.
Binantaan daw siya nitong sasaktan kapag di nito nagawa ang pinapagawa ng lalaki. Nang isang beses na sinubukan ni Xander na huwag pumatay ay nakuha niya ang malalim na pagkakalaslas sa dibdib nito sa may bandang puso. Pero ang totoo ay nandodoon siya nung gabing yon.
Kung hindi ko siguro siya binalikan para i-check nang gabing yon di ko sana mapipigilan ang balak nitong tapusin ang buhay niya. Ang sinabi lang nito pagkagising ay ang lalaking nasa panaginip nito ang may gawa non dahil di daw niya sinunod ang gusto nito.
"Xander? How about we consult--- "
"I told you already. I am not a psycho! I am telling the truth Anne!" Napataas ang tono ng boses nito sa suggestion ko na tungkol sa pagpapacheck up sa isang espesyalista sa utak. I suggested it a lot of times already but he still keeps on denying it.
Hindi naman daw kase siya baliw. "I don't need a therapist or anyone because I am not an ill patient of their profession!!" Kusa na itong humiwalay saken at nahiga sa kama.
"Okay.." I sighed. Again. This scene.. paulit ulit.
"Magpahinga kana pupuntahan ko lang sila Mom and Dad." inayos ko ang kumot nito bago pinatay ang ilaw at puntahan ang parents nito sa library nila.
Kumatok muna ako bago tumuloy sa loob.
"Mom.. " Nang silipin ko ay nag uusap ang dalawa. Tungkol siguro ito sa kalagayan ni Xander.
"Iha. Umupo ka.." Anyaya saken. Magkatabing naka upo sila sa sofa habang ako naman sa single sofa sa harap nila.
"Kumusta si Xander?" Tanong agad ng Mama ni Xander.
"Still the same." I sighed. Nanlumo din ang mga magulang ni Xander.
"Everyday. It's the same progress but everyday it is getting worse bit by bit. Sa mga nakalipas na taon mga simpleng tao lang ang pinapatay niya. Pero itong nakaraan.. may mga matataas na posisyon sa lipunan na ang napapatay ni Xander, Dad. Hindi natin alam kung paano niya nagagawa yon pero mas mahihirapan na tayong iligpit yon at mas magiging delikado na. Pwede siyang makulong or worse patayin. I am worried of my husband, Dad." Naluluha ako sa sitwasyon namen.
He's my husband. Nalaman ko lang itong gawain niya noong lampas limang buwan na kaming mag asawa. He's the sweetest person I have ever met. Pero.. bat nagkakaganito.
"Don't worry, iha. We will do everything we can. He's our son. At naniniwala kaming gagaling pa siya. He loves us. At alam kong mamo-motivate siyang magbago pag nakagabay lang tayo sakanya." Hinawakan nito ang kamay ko at marahang pinisil. Tango lang ang naisagot ko sa kanila bago nila ako iwang mag isa doon.
"XANDER..." ito na naman ang boses ng lalaking yon. Hindi ba niya ako tatantanan. Marami nakong napatay. Hindi pa ba sapat?
"Tantanan mo na ako!! Wala kanang mapapala saken! Hindi nako papatay!!" Lakas loob niyang sigaw sa lalaking malabo parin sa panaginip niyang buhay.
Malademonyo itong tumawa. "Pagbibigyan kita, Xander.. "
"Talaga?" Parang batang kumislap ang mata ko dahil sa nakakita ng pag asa sa napakadilim na karanasan.
"Sa isang kondisyon.. " pabitin nitong sambit.. na parang lalong tinutukso ang binata.
"Anong kondisyon? Anong kondisyon?" Nagmamadaling sabi nito na parang batang sabik na sabik.
"May babaeng nakapasok sa bahay niyo. Hanapin mo siya Xander. Sasaktan niya ang mga magulang mo. Gusto niyang patayin sila para sa pera. Patayin mo siya kung ayaw mong mawala ang mga magulang mo. Pag napatay niya ang mga magulang mo makakayang niya ring patayin si Anne at Ikaw." Mala-demonyong saad nito..
"Gawin mo ang lahat ng pwede mong gawin sa kaniya gamit ang kutsilyong siguradong kikitil sa buhay niya." naninigas bagang na sabi niya habang nakatigtig ng diretso sa mata ni Xander.
"Papatayin ko siya. Hindi niya pwedeng saktan ang mga mahal ko sa buhay!" nagdilim na ang paningin ni Xander. Ang nasa isip niya lang ay patayin ang babaeng nakapasok sa bahay nila.
"Tama. Pag nagawa mo iyon. Malaya ka na." Nakangising sabi nito.
Agad namang pumunta sa kusina si Xander para kumuha ng kutsilyo. Agad niyang hinaloghog ang buong bahay maliban sa mga kwarto ng magulang niya at kanya. Alam niyang baka madamay pa ito.
NAPABALIKWAS si Anne ng tayo. Sinusulyapan niya ang mga libro sa mga cabinets ng biglang pumasok si Xander sa library.
"Oh, Xander. Akala ko nagpapahinga ka-- " Lalapit sana siya dito pero napatigil siya nang makitang may hawak itong kutsilyo.
Nanginig ang katawan niya ng makitang madilim ang matang nakatitig sa kanya si Xander.
"X-xander.. " napaatras siya habang ito naman ay dahan dahan lumalapit sa kanya.
"Xander.. wh-what a.. re y-you doing.?" Lalo siyang nagimbal ng nahinto siya sa pag atras dahil nakasandal na siya sa pader. Wala na siyang ibang matatakbuhan. Pag tumakbo siya baka lalo lang niyang bigyan si Xander ng dahilan para ituloy ang balak at saktan siya.
"You're a bad person-" di pa ito tapos magsalita ay pinutol kona.
"No, i am not-" pigil ko ditong dahan dahan paring lumalapit.
"You are going to kill my parents, my Annie--"
"NO! Xander. It's me, Anne. B-baby.. please don't do this." humahagulgol na ako sa puntong iyon.. pero pilit kong pinapalakas ang loob ko.
Mga ilang sandali ng makumpirma kong wala na talaga akong magagawa. Tumayo nalang ako ng tuwid, tumingin ng diretso sa mata niya at ngumiti.
"My husband is so handsome.. " patuloy parin ang pag agos ng mga luha sa mga mata ko. "Even at your state.. you still manage to love me. That made me love you even more." Pinipigilan kong humikbi at ngumiti lang sa kanya.
Malapit na ito sakanya pero di parin siya natinag.
"I am sorry kung nagkulang ako bilang asawa mo. Kahit sa sitwasyon ngayon hindi nako nakakaramdam ng takot. Kase alam ko.." nasa harapan ko na ito at titig na titig sa mga mata kong walang tigil ang pag-agos ng luha.
"-asawa ko toh. Kahit anong mangyari. Alam ko.. ikaw parin yong asawa kong mahal--" ramdam ko ang pagbaon ng kutsilyo sa tiyan ko. Napangiwi ako pero pinipilit kong ngumiti parin kahit may umaagos ng dugo sa bibig ko.
"---na mahal na mahal ko." Hinaplos ko ang pisngi nito at tinitigang muli sa huling pagkakataon.
"Mahal na mahal kita--- " nagawa ko pang halikan ang gilid ng labi nito. "I love you, X-ander." Tuluyan bumitaw ang mga kamay ko sa braso nito at nasalampak sa sahig.
Bago pumikit ang mga mata ko ay kita ko kung paano bumalik sa dating maamong mata nito. At gulat na makita ako..
"A-anne... "
"W-we l..ove y-you.." I whispered before my last breath was taken from me and our baby.
BINABASA MO ANG
Drop It!
General FictionMy One Shot-Stories will be compiled in this book. This can be general fiction because kung ano man ang maisip at mabuo ng utak ko ay yun ang ilalagay ko dito na istorya. I hope you would read it though. I'll keep working hard para magustuhan niyo y...