Naaalala ko pa mga panahong kasama ka,
kay saya nating dalawa. Magka yakap sa puno
ng mangga habang nangangarap na sana tayo na ngang dalawa.
Dumating tayo sa puntong parang nagkakalabuan na.
Tinanong kita kung anong problema, pero sagot mo'y luha sa mata.
Mahal san ba ako nagkulang? Bakit kaylangang maging ganito tayo?
Masaya naman tayo nung una diba?
Sabi mo magpapakatatag tayo pariho?
Pero bakit ganon? Bakit ka biglang nagbago?
Bakit parang gusto mo ng sumuko?
Bakit parang gusto mo na akong iwan?
Mahal kung bibitawan ba kita magiging masaya kaba?
Mahal kapag ba hinayaan na kita sasaya kana ba ng sobra?
Mahal sana bago ka lumayo tandaan mo na minahal kita ng sobra.
Alam mo masakit para sakin na palayain ka pero para sa kaligayahan mo gagawin ko.
Dumating na nga yung araw na paggising ko sa umaga nasa piling kana ng iba.
Mas masaya kana pala sa kanya. Pero kahit ganon tanggap ko kahit masakit sa kalooban ko.
Sa ngayon mahal minamasdan kita lagi, masaya ako kasi alam kong masaya kana.
Wala naman kasi akong ibang gusto kundi kaligayahan mo.
Hindi kita sinisisi, at masa lalong hindi ako galit o naiinis.
Sana sa paglayo ko tuloyan ka nang lumigaya.
Kaya mahal paalam na, alam ko na kasing masaya kana sa piling ng iba.
YOU ARE READING
Mas Masaya Kana Pala Sa Iba
PoetryPara sa mga taong pinagmukha lang tanga kahit na nagmahal na ng sobra. Basahin niyo to relate kayo dito.