Part 31

844 26 0
                                    

Lianne's POV.

Ako ngayon ang nag dadrive sa kotse ni Lins habang nasa likod silang dalawa ni Jireh at Lins.

"Ok naba siya?"-Tanong ko kay Jireh at tinignan siya sa rearview mirror.

"Oo pero kailangan parin kunin ang bala sa balikat niya. Obviously."

Tumango lang ako at nag drive pa ng mas mabilis.

Nang malapit na kami sa airport ay agad kung pina punta si Jireh sa harap.

"Bakit? "

"You need to leave immediately. Otherwise, you can't go to your sister."

"Willing akong di tumuloy Lianne. Safe naman si Bea doon."

"You can't say that for sure. "

"Anong ibig mong sabihin? "

"They can know you have a sister if you keep helping us. They'll know your face immediately and search about you. They are not a joke, Jireh. They know some assassins. They can infiltrate the school of assassins at kunin ang kapatid mo."

Di nakapag salita si Jireh pero nag bihis na sya. May bahid na kasi ng dugo ni Lins ang mga damit niya.

I try niyo nga na puno kayo ng dugo at pumasok kayo sa public airport.

Yes. Siya na mismo pupunta dun. Pero hindi directly.

May pupuntahan muna siyang taong sinabi ni Lins sakanya at kukunin siya ng Jet na yun ding kumuha kay Bea.

Agad niyang kinuha ang bag niya at kumuha ng ilang pares ng mga damit niya at tumingin saakin.

"Pwede bang hiramin ang bag mo?"

Tinignan ko ang bag niya.  May dugo narin kasi nasa likod toh nilagay at nabahidan ng dugo.

Tumango ako at nilabas na niya lahat ng gamit ko at nilagay niya gamit niya at hinawakan niya lang passport niya.

"Ibabalik ko toh sayo ng may reward."-Jireh

Bibili palang yata siya ng ticket. May pera naman kaming binigay sakanya.

Agad kong hininto ang sasakyan sa harap ng airport.

Agad akong hinawakan ni Jireh sa kamay at nagkatinginan kami.

"Mag ingat kayo. "

Yun ang last words niya bago siya nagmadaling lumabas dala ang backpack ko.

Tinignan ko muna siya sandali.

Napangiti nalang ako habang tinitignan siya.

Agad na ako humarorot palayo sa airport.

Kinuha ko ang cellphone ko sa upuan kung saan nilagay ni Jireh ang mga gamit ko at may tinawagan.

"Hello?! Okay ka lang!? May umataki raw sa paaralan niyo ah?!"

"I need your help. Gemar."

*****

Ronnel's POV.

"Why the hell are you here?"

Tanong ni Lead kay Nemiz na nasa loob ng kulungan.

"None of your business."

"What is your business with the Dullo siblings?"

"Still, none of your business."

Nag usap usap lang silang dalawa ni Lead ng mapansin ko ang kasama niya sa kulungan.

Si Peter Custudio.

The Undefeated FighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon