Maghihintay Sa'Yo (One-Shot)

119 3 0
                                    

Isa sa mga pangarap ko sa buhay ko ay yung maglakad sa isang red carpet papunta sa taong mahal ko na naghihintay para maging isa na kami sa pamamagitan ng basbas ng pari at basbas ng Diyos sa loob ng tahimik at magandang simbahan. Kahit man hindi sobrang ganda at sobrang sosyal ang araw na yun o ang kasal na yun basta sabay kaming magsasabi ng "Yes, Father. I do" at maghahalikan sa harap ng Diyos

"Tara na, bee?" hinawakan niya ang kamay ko tapos ngumiti. Hay, nakakainlove parin talaga ang mga dimples niya. Hawak rin niya ang bag ko na nakalagay ngayon sa likod niya. Tumango na lang ako at ngumiti rin sa kanya

Inihatid na niya ako sa bahay ko at pagkatapos noon humingi siya ng kiss at nagpikot muna ng kunti pero bumigay na rin ako. Haha. Nagbabye kami sa isa't isa pero actually, ayaw pa niya na magkahiwalay kami. At ganun rin ako. Sa huli, napagdesisyonan na rin namin na maghiwalay narin.

Siya. Siya yung taong gusto kong maghihintay sa akin sa simbahan. Siya yung taong gusto kong makasama habang buhay. Siya. Siya yung taong yun. Si Jestian Ryll. Alam kong ang clichè ng name niya pero nalaman ko na ang ganda pala ng pangalan niya. Jes-stand for Jesus. Tian-stand for Christian. Napaka makadiyos nya sa totoo lang. (Sa pangalan palan' naman diba?)

5 years na kami mag boyfriend and going strong parin. Kahit minsan may pag-aaway at hindi pagkakaintindihan atleast, hindi namin yun pinapalaki. Hindi namin hahayaang matutulog kami na may galit sa isa't isa. Ganun naman talaga sa relasyon eh, away-bait-away-bati. Kasi hindi iyon matatawag na relasyon kung walang pag aaway.

Actually, nagkakilala kami sa simbahan na pinakapaborito kong puntahan. Bumibili kasi ako no'n ng fishball tapos nataponan ko yung polo niya. Nagalit siya sa akin pero dahil doon, maraming beses kaming nagkasama at tada, nagtapat siya sa akin. And then sinagot ko narin siya. Kung ilang araw siyang nanligaw sa akin? Uhm. 2 minutes siguro.

Papunta kami ngayon ng school at todo hawak siya sa kamay ko. Akala mo naman na maghihiwalay kami ng maraming taon. Haha. Kahit may kotse siya, eto, naglalakad kami para daw mas maraming oras kami magkasama. Nagsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi siya sweet.

"Bee, punta muna tayo ng simbahan?" since 7:30 pa naman at 9:30 ang klase ko, tumango nalang ako na may kasamang ngiti.

Pumunta muna kami sa bahay nila (nagcommute kami) at ginamit namin ang kotse niya papunta sa simbahan. Actually, excited ako kasi makakasama ko ang taong gusto kong pakasalan sa loob ng gusto kong simbahan na kung saan gaganapin ang gustong kong kasal. 2nd year college na ako, samantalang siya, 3rd year. One year ahead lang ang agwat namin. At oo, kahit ganito ako kabata, pagpapakasal na agad ang nasa isip ko. Masisisi niyo ba ako kung lagi kong nakikita ang sarili ko na kasama siya in the future?

Nasa loob na kami ng simbahan at hindi ko mapigilang hindi mapangiti, naiimagine ko na naman ang gusto kong kasal. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at ngumiti ako sa kanya. Ganun din siya sa akin. Pumasok na kami ng magkahawak ang kamay. Nang umupo na kami, nililibot ko ang mata ko sa loob ng simbahan. Napakaganda at napakatahimik. Tinignan ko ngayon ang altar na nasa harap namin.

"Bee, gusto ko kapag ikakasal na ako, ikaw yung taong papakasalan ko. Ikaw yung taong maghihintay sa harap na altar na yan para sa akin. Ikaw yung katabi kong magsasabi sa pari ng 'I do'. Ikaw yung taong magsusuot ng singsing sa akin at ipapakita sa harap ng diyos kung gaano mo ako kamahal. Bee, ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko" ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya sa akin...pero bakit parang hindi ko gusto ang ngiting yun? bakit parang may pagaalinlangan? bakit parang ang lungkot ng ngiting yun? Ako lang ba yun o paranoid lang ako? Siguro nga paranoid lang ako

"Ikaw rin yung gusto kong hintayin sa harap ng altar" nawala ang pagiging paranoid ko sa sinabi niya

"Promise yan ha?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maghihintay Sa'Yo (One-Shot)Where stories live. Discover now