EVIL SPIRIT OF ESMERALDA

0 0 0
                                    

" Break na tayo!"
Namutla ako ng mabasa ang mensahe mula sa nobyo kong si Juanito. Parang kailan lang ang saya-saya pa naming dalawa, ngayon ay matatapos ng ganun nalang ba?
Ni hindi maipinta ang aking mukha. Tuliro at 'di ko alam ang sasabihin.
Muli, Nagpadala sya ng isa na namang mensahe...

" Joke lang! "

Napabuntong-hininga sa labis na kaba. 'Yun ay biro lang naman pala.

Ngunit ilang linggo na ang nakalipas, Hindi n'ya pa rin ako kinakausap. Ni ayaw n'ya akong makita. Siguro nga tinotoo na n'ya ang kan'yang paglisan.
Tulala at 'di mapalagay, 'yan lamang ang laman ng isip ko sa ngayon. Nagtataka kung bakit naiwan ulit akong mag-isa.

Nagising ako sa katotohanan ng tamaan ako ng nilukot na papel. Pilya talaga ang bunso kong kapatid na si Anna.

Hanggang sa dumating ang Araw ng mga Puso. Kay saya ng bawat isa, Lahat nagmamahalan sa araw na ito. Ito rin ang espesyal na araw para sa mag-nobya at nobyo
.
Habang masaya ang bawat isa, Ako ito malungkot at walang kasama. 'Di alintana na may nagaganap na pala sa parke.

" Mahal kung Leah, Patawad kung hindi kita kinausap. Sana ay mapatawad mo ako "

pagkatapos kong marinig ito ay tumulo ang aking luha, alam kong si Juanito iyon.
Dali -dali akong lumapit at hinawi ang maraming tao. Kasabay nito nabasa ko rin ang nakasulat sa kulay rosas na tela...

"Leah handa kana ba upang maging aking asawa?" Tanong ng isang lalaki habang sya'y nakaluhod sa aking harapan.

Nabasag ang katahimikan, Hindi si Romy ang lalakeng nakaluhod sa harap ko ngayon. Si Luisito, ang kambal ni Juanito.
Ayaw ko man ay kusang tumulo ang aking luha. Hindi ko pa rin tanggap na iniwan na nga pala ko ni Juanito at tuluyang sumama kay Esmeralda. Mananatiling buhay sa puso ko si Juanito, kahit pa nasusunog na ang kaluluwa nya sa Impyerno ngayon.
–Littlepen

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Evil Spirit Of EsmeraldaWhere stories live. Discover now