Part 1

11 3 1
                                    

Author's Note: Please Vote after reading. Enjoy guys:)

×××××××××××

Ashley Pov

Pagmulat ng mata ko puting kisame ang nakita ko. Alam kong hindi ito ang kwarto ko. Lumingon ako sa gilid nakita yung mga prutas na nasa mesa. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto.' HOSPITAL'.
Tiningnan ko ang kamay ko na may nakatarak na sinulid.
Dahan-dahan akong umupo. Biglang may bumukas ng pintuan, si Mama. Lumapit sya sakin at dinaluhan nya ako.
"Thank God your awake liLy". Hawak ni mama ang kamay ko.
Tinitinigan ko lang sya.
"Almost a month kang tulog anak." Iyak na sabi ni mama.
"Ma si Nash?". Tanong ko sa kanya. Nag iwas ng tingin si mama.
"I'll just call the doctor. Pahinga ka muna. Isipin mo muna ang sarili mo." Hinalikan nya ako sa noo bago umalis.
Pinanuod ko lang si mama hanggang sa lumabas sya.
Bumuntong hininga ako. Habang inaalala ang nangyayari.

"Babe Happy 5th anniversary" bati ni Nash sakin. Habang kausap ko sya sa phone.
"Happy 5th anniversary Babe." Bati ko din sa kanya.
"Kita nalang tayo sa Restaurant. Same spot. May importante din akong sabihin sayo." Wika nya.
"Sure I'll be there in a minute." Habang suklay sa buhok ko.
"I Love you Nash." Kinagat ko ang ibabang labi ko. Narinig kong bumuntong hininga sya.
"I love you and Thank you for everything ly." Sabi nya.
Pumikit ako dahil sa sobrang kilig ang husky nang boses nya.
"Bye Ly I need to end this call." Magsasalita sana ako kaso biglang naputol ang kabilang linya. Alam ko pag ganito sya kinakabahan si Nash. I know him ever since. Iniimagine ko namumula na yung pisngi nya ngayon. Haha Mahilig sa surprise si Nash. Kaya inexpect ko na may surpresa sya sakin. Syempre 5th Anniversary namin ngayon . Sinilip ko ang phone ko nandun yung reminder sa screen ng phone ko September 2, 2017.

Tumungin ako sa salamin.
Kinakabahan ako, baka di magustuhan ni Nash yung gift ko sa kanya.
Inayos ko ang damit bago naglakad palabas sa kwarto. Sobrang excited ako ngayong araw.

Nag drive ako papunta sa Restaurant. Inapakan ko ang break sa sasakyan umilaw kasi yung red light.
Habang naghihintay akong maubos lahat ng taong dumadaan. Parang nakita ko si Nash tumawid, kaya agad akong lumabas.
'si Nash nga' agad ko syang sinundan.
"Where is he going?" Bulong ko sa sarili ko. Akala ko ba sa Restaurant kami magkikita.
Isa ba to sa surprise nya. Shit kinabahan ako. Alam ba nyang sinundan ko sya, malakas pa naman pakiramdam nito.

Sinundan at sinundan ko lang sya hanggang patungo sa park. Huminto sya malapit sa fountain. Kaya nagtago ako sa may puno. Lumingon-lingon sya sa paligid habang hawak nya ang phone nya, kaya agad kong tiningnan ang phone ko. Wala namang text galing sa kanya pero panay pindot sa phone nya.
Baka naman may senet up sya ditong surprise  sakin. Lihim akong napangiti ngunit awala agad ito dahil sa nakita ko.

Ngumiti sya at naglakad papunta sa isang batang babae. Kinarga nya ito ng may biglang lumapit na babae sa kanya, hinalikan sya sa pisngi. Nakaawang ang bibig ko sa nakita ko. Humigpit ang hawak ko sa phone ko. My heart skip a beat.
No baka mali tong iniisip ko. Baka long time friend lang nya to tas ngayon lang sila nagkikita. I convince myself not to over react.
Mahal ako ni Nash kaya di nya magagawang lokohin ako. It's our 5th Anniversary wala dapat akong ikabahala.

Dinial ko ang number nya. Bago nya sinagot lumayo sya muna sa bata at sa babae. "Bat kailangan mo pang lumayo?'. Bulong ko sa sarili ko.
Kinakabahan ako.
"Babe?" Sagot nya.
"I'm on my way na, where are you?". Tanong ko.
"Ahmmm nasa restaurant na ako." Pagsisinungaling nya.
Sumikip ang dibdib ko. Liar.
Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Nag umpisa ng tumulo ang mga luha ko.
This can't be happening. No!
"Babe? You still there?" tanong nya.
"Yes" huminga ako ng malalim. "Nash, where are you please. Tell me the truth." Nanginginig na yung boses ko. Natahimik sya sa kabilang linya. I heard him sigh.
"Wala ka sa Restaurant diba?". Tanong ulit ko sa kanya.
"Yes, but.." pinutol ko sya. "Your lying!" Pakla akong tumawa. Tumingala ako sa langit dahil kahit anumang oras tutulo na ang luha ko.
"Ashley listen to me first". Ani nya.
"No! No! How could you?" Humahagolgol na ako.
"What did you mean? Hey babe are you crying?" Sunod sunod nyang tanong sakin.
"I saw you and you look happy. A happy family. " Nilibot nya ang tingin nya sa paligid. Then our eyes met.
Ngumiti ako sa kanya ng peke.
"Why Nash? Bakit di mo sinabi sakin kaagad to?" An sakit sobrang sakit. Maglakad sana sya palapit sakin.
"Stop! Huwag kang lumapit sakin baka makita ka nila. " Pigil ko sa kanya. Huminto naman sya.
"Let me explain Babe." Ani nya.
"Sapat na ang nakita ko Nash you don't need to explain, and it hurts. Kailan pa Nash? Kailan pa?" Sumandal na ako sa puno dahil nanginginig na ang mga paa ko."Please let me explain" Nakaluhod na sya.
"I can't believe this. Bakit? Bakit Nash? I thought Mahal mo ako. Akala ko ba ako lang. Bakit? Ano tong nakikita ko ngayon." Mas lalong humigpit ang hawak ko sa phone. Bumagsak na ang mga luha. Di ko na kayang pigilan pa.
"Mahal kita Ly Mahal na Mahal." Kumuyom na ang kamao nya.
"Tama na. Tama na Nash. It is not Love. It's selfishness. Kung Mahal mo ako sana sinabi mo na to noon pa. " narinig ko ang pagmura nya.
Ilang minuto din kaming natahimik, tanging paghikbi ko lang ang narinig ko. Panay buntong hininga naman nya.
Saka ako naglakas loob  nagsalita ulit "Kailangan ka din ng pamilya mo. I don't want to be selfish. And thank you dahil sa loob ng 5years minahal mo ako kahit naglihim ka sakin, naintindihan parin kita. Mahal kita Nash pero hanggang dito nalang. Isa lang ang hiligin ko Nash sana maging mabuti kang ama.... " pilit kong pinakalma ang sarili ko. Saka nagsalita ulit .... "kamukhang-kamukha mo sya Nash the way she smiles, and her eyes sobrang carbon copy lahat." I chuckled in tears. Nanatiling tahimik si Nash sa kabilang linya. Naka tingin parin sya sakin habang nakakuyom ang kamao. Pinahid ko ang mga luha, at huminga ng malilim. "I .... Love .... you Nash. ... Good bye" umiwas ako ng tingin, tumalikod ako sa kanya at naglakad paalis.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Iyak lang ako ng iyak habang naglalakad. Durog na durog na yung puso ko. Wala na akong pakialam kung pinagtitingan na ako ng mga tao. Hanggang sa namalayan ko nalang na tumatawid na pala ako ng may bumusina sakin, lilingon sana ako pero huli na ang lahat.

___________
  

Endless LoveWhere stories live. Discover now