Continuation

20 0 0
                                    

Nakita ko ang gulat na ekspresyon niya sa ginawa ko. Nang nakaupo na kami ay saka pa lamang ako nagsalita.

"Ano nga pala yung importanteng sasabihin mo sa akin?" Panimula kong tanong.

"Ha? Wala. Binibiro lang kita. Ikaw? Ano ba yung sasabihin mo?"

"A-Ano..." Nauutal kong sagot
"Ano?" Kita sa pagmumukha niya yung pagiging kuryuso sa aking sasabihin.

"Sinasagotnakita." Mabilis kong sabi

"Ano? Pwede dahan-dahanin mo naman? " Pakiusap niya

"Ang sabi ko. Sinasagot na kita."

Pero imbis na maging masaya ay iba ang nakita kong eskpresyon sa kanya. Kalitohan at panghihinayang. Napatanong naman ako sa aking sarili. Bakit?

"Hindi mo ako pwedeng sagutin Seith" Mahinahon niyang Sabi

"Bakit?" Kalmado kong tanong kahit parang hinihiwa yung puso ko sa sakit

"Kasi. Bumalik na siya." Nakayuko niyang sagot

"Sino? Si Krissy?" Naiiyak kong tanong

Hindi siya nakasagot agad. Pero sana hindi nalang niya ako sinagot para hindi ako nasaktan ng ganito.

Naikwento na niya sa akin si Krissy. Si Krissy ang Ex-gf niyang nang iwan sa kanya bigla. Iniwan siya nito sa kanilang 2nd Anniversary mismo.

Nung tinanong ko siya kung Mahal niya pa ba si Krissy ang sagot niya ay hindi na raw at matagal na siyang naka move-on dito.

Ang sabi niya pa ay kaya niya ako nagustuhan dahil parehas kami ng ugali ni Krissy. Pero nagustuhan niya nga ba ako? O nakikita niya lang sa akin si Krissy.

"Oo. Sorry talaga Seith, Akala ko naka move on na ako sa kanya pero hindi pa pala. Nung nagkita kami kahapon ay parang nasampal ako sa katotohanang  Mahal ko pa siya. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya" Naiiyak niyang sabi sabay hawak sa mga kamay ko.

Agad ko naman itong hinawi at pinunasan ang luhang tumulo sa mga Mata ko. Ni hindi ko namalayang umiiyak na pala ako dahil sa gagong lalaking ito.

" 'Wag kang mag sorry, Okay lang tanggap ko na, na ginawa mo lang akong rebound. Pero isa lang ang pabor na hihingiin ko. Please lang. Wag mo na akong pansinin at wag mo na rin akong kausapin simula bukas. Please lang." Patapos kong sabi bago ko siya iwanan sa loob.

Nang makalabas na ako ay agad akong pumara ng Taxi para umuwi. Habang nasa Taxi ako ay panay ang tawag ni Jerson sa akin pero wala na akong planong sagutin iyon. In-off ko ito at itinago sa bag ko.

Nang makauwi na ako sa bahay ay agad akong nagtago sa kuwarto ko at hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha. Kusa nalang itong tumulo Mula sa aking mga mata. Sana hindi nalang ako nagpadala sa mga mabulaklak niyang mga salita. Sana mas pinairal ko ang utak ko kesa sa puso ko. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito. Kinuha ko ang aking cellphone at in-on ito. Ite-text ko si Jerson at nangako ako sa sarili ko na huli na ito.

To: Jerson :

Kahit ginago mo ako, aamin parin ako. Mahal na kita pero ginago mulang ako, Sana hindi mo nalang ako niligawan para hindi mo na ako nasaktan pa, Sorry kung hindi ako naging enough para mapalitan siya sa puso mo pero wag Kang mag-alala. Kakalimutan na kita at wag kanang magparamdam pa. Salamat sa lahat. Paalam.

Msg. Sent!


















--------------------

Sorry guys if di niyo masyadong nagustuhan. Nagsisimula pa kasi ako. Hindi ko pa masyadong gamay yung mga tipo niyo pero promise. Mas huhusayan ko pa sa susunod. Enjoy Reading;

Please don't forget to vote guys! Thank you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Sinabi MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon