Chapter 1

42 2 14
                                    

"Carmela gising na, may pasok ka pa oh"

Nagising kaaagad ako nung narinig ko ang boses ni Manang Tiya. Si Manang Tiya yung nag aasikaso sa aming magkapatid simula nung namatay yung papa namin at nung napagdesisyunan ng mama ko na mangibang bansa, dahil na rin sa na bankrupt yung company ng papa ko.

Halos wala na sa amin nun natira tanging itong bahay lang na tinitirhan naming magkapatid at yung pension na galing sa papa ko. Yung family side ng papa ko, halos wala na akong balita sa kanila simula nung na bankrupt yung company. Kaya eto nagsusumikap yung mama ko na magtrabaho para matustusan pag aaral naming magkapatid.

"Iha tumawag na ba mama mo?" Tanong ni Manang Tiya sakin

"Manang di pa po eh, baka mamaya pa. Bakit niyo po naitanong?" Sabi ko habang inaayos ko yung uniporme ko na pang pasok.

"May bill na kasi sa kuryente at tubig tapos wala na tayong stock ng pagkain sa ref" sabi sa akin ni Manang Tiya. Kada month nagpapadala yung mama ko para sa mga gastusin sa bahay at tsaka na rin para sa budget ko, kung meron man kaming project sa school or kapag may bibilhin na importante.

"Ah sige po Manang sabihan ko nalang si mama" agad na kinuha ko yung bag ko at lumabas na ng bahay "Sige po manang baka malate na po ako sa school" paalam ko at umalis na ng bahay.

Habang naglalakad papuntang bus station, napadaan ako sa isang park. May mga batang naglalaro at dahil na rin sa maaga pa, may nakikita akong nag jojogging.

Natandaan ko itong park na ito, dito kami nag lalaro ng mga kaibigan ko dati. Hay nakakamiss dati lalo na yung palagi kong inaasar nung mga bata pa kami.

Di ko nga alam kung nasaan na siya eh bigla nalang hindi nagpakita ng ilang taon. Naisip ko rin na baka dahil sa pang aasar ko kaya di na nagpapakita eh hahaha. Pero hinintay ko talaga siya dito sa park kung sakali na bumalik siya at para narin mag sorry dun noh. Nakonsensiya ako sa pinag gagawa ko nung mga panahon na iyon.

Napatingin ako sa relo ko. Maaga pa naman kaya dinadama ko pa yung sariwang hangin kapag umaga. Ito kasi favorite ko sa lahat, yung naglalakad papunta sa bus station, dahil medyo may kalayuan pa.

*vibrate*vibrate

Agad kinuha ko yung cellphone ko at napatingin kung sino ang tumatawag

Mama's Calling..

"Hello? ma?" Agad na sagot ko dito.

"Anak papasok ka na ba?" sabi ni mama sa kabilang telepono. Halata na may ginagawa si mama, dahil na rin maingay yung nasa linya niya.

"Yes po ma, papunta na po ako at naglalakad na" sabi ko kay mama

"Ah ganon ba? anak magpapadala ako ng pera dyan para sa pambayad nyo ng tuition inyong magkapatid at tsaka panggastos dyan. Ipapadala ko nalang kay manang tiya"

Ay oo nga pala malapit na bayaran ng tuition namin. Hay naku ilang beses ko nang sinabihan si mama na wag nalang akong mag aral sa private school dahil di kaya sa budget. Pero makulit si mama, kesa daw malapit na daw ako mag graduate ng senior high. Kaya ayun di na ako tumutol, baka umuwi pa yun dito para batukan lang ako.

"Sige po mama ingat ka po dyan. Bye po, Love you ma" paalam ko.

"Sige bye love you too anak"

Pagkatapos nilagay ko na yung cellpone ko sa bag at naghintay na ng bus papuntang skwelahan.

_________________

Malapit na ako sa gate ng skwelahan. Hanggang sa may tumawag sa pangalan ko at alam ko na kung sino yun.

"CARMSSSSSS!!!! BESSSSS DALIIIII MAY CHIKA AKOOO" Sabay hatak sa akin ni Nica. Grabe tong babae na toh, ang sakit humatak.

"Ano baaaa!!! Ang sakit ng kamay kooo!!" Huhuhu yung kamay koooo namumula na. Agad binitawan ni Nica yung kamay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waiting For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon